Richard Gomez walang inaksayang oras, naipamigay ang relief goods sa kaniyang nasasakupan sa loob ng apat na araw


Hanggang ngayon, karamihan pa din sa mga local government units (LGUs) ay abala sa pamamahagi ng mga relief goods para sa kanilang mga nasasakupan na apektado ng enhanced community quarantine na umiiral pa din sa bansa. Ilan sa mga opisyal ng LGUs ay kadalasang namamahagi ng mga relief goods sa isang barangay kada dalawang linggo nang sa gayon ay magkaroon din sila ng oras para mamahagi ng mga relief goods sa iba pang barangay na kanilang pinamumunuan.

Ngunit, iba naman ang paraan na naisip ni Ormoc City Mayor Richard "Goma" Gomez sa kaniyang pamamahagi ng mga relief goods sa kaniyang nasasakupan.



Sa tulong na din ng iba pang mga opisyal ng naturang lungsod, umabot lamang sa apat na araw ang kanilang pamamahagi ng mga relief goods sa mga mamamayan ng Ormoc City.

Ibinahagi naman ng isang netizen sa kaniyang Facebook post ang paraan na naisip ni Gomez kung paano niya hinati hati at ipinabigay ang mga naire-pack na relief goods.

Ani Gomez,

“If I opted to repack, I won’t be able to distribute everything on time. Matatapos na lang ang ECQ, di pa maaabutan lahat. Giving them one sack of rice at once will save me a lot of time and effort.”




Saad pa ni Gomez, hindi na siya gumawa pa ng listahan para sa mga mamamayan sa naturang lungsod na makakatanggap ng mga relief goods dahil para sa kaniya ay aksaya lamang ito ng oras at alam niya na dapat lahat ng bahay at mamamayan sa lugar ay mabigyan.

Aniya,

“No need for lists. Each house got their supply. I have 67,000 constituents. You have an emergency here, and these people need immediate assistance. Why waste time in making a list.”


Ang pondo naman na ginamit ni Gomez para sa mga relief packs na kanilang ipinamahagi ay galing umano sa 30 porsyento ng development fund, calamity fund, at general fund.


Saad ng butihing alkalde,

“If the ECQ is extended, we will distribute again another sack. As long as they have rice, that’t a lot off their shoulders. They will find ways to produce viand.”


Wala pa namang naitatala ngayong kumpirmadong kas0 ng C0VID-19 sa lugar habang ang mga pinaghihinalaang may sakit ay naka-isolate na din. Sa ngayon, mayroon namang hinihintay na medical result para sa mga pinaghihinalaang pasyente sa lugar.

Source: DF

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW