Sen. Sotto, may patutsada sa isang opisyal, “Mayabang na local official, tumutulong para sa ambisyon!”


Kamakailan lamang, naging usap-usapan sa social media ang mensahe na sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno laban sa ilang senador sa bansa. Hinamon rin ni Mayor Isko ang mga ito na magpakita ngayon o mamahagi man lang ng tulong para sa mga kababayan na nangangailangan sa gitna ng krisis na kinakaharap ng ating bansa ngayon.

Ani Mayor Isko,

"Mga senador, 24 lang kayo. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa Pilipino. Nasaan kayo ngayon? Hinahanap namin kayo. Puro na lang tayo kontra rito, kontra roon, dahil sa mga sinusulong niyong political interest. Wala ba kayong puso? Maswerte kayo dahil pinagpala kayo. Paano 'yung naghihikaso bago pa man mangyari ang krisis na ito at lalong naghihikaso sa kasalukuyang krisis na ito?"


Samantala, pinatutsadahan naman ni Senate President Vicente 'Tito' Sotto sa kaniyang inilabas na pahayag nito lamang ang isang indibidwal na hindi na niya binanggit ang pangalan.
Ani Sen. Sotto sa kaniyang pahayag,

"Sang-ayon ako na bawal mamulitika kung kaya't hinahamon ko lahat ng pulitiko sa buong bansa lalo na ang mga mayayabang na local official na wag gamitin ang pagtulong sa kanilan mga nasasakupan para sa pansariling ambisyon."

Pagpapatuloy niya,

"Our duty as a lawmakers is to promptly pass the enabling law so the exec dept can use govt funds to respond during this health crisis. We did so in 18 hrs. It's not our mandate to repack rice and sardines with a complete PR team around us. Some of us do, WITHOUT the PR team!"


Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat na mayroong social media team si Mayor Isko na namamahala ng kaniyang social media accounts. Madalas niya ring ibinabahagi sa kaniyang mga livestream ang mga bagay na kaniyang ginagawa para mapaganda at maiayos ang Maynila.

Sa kabilang banda, maging si Senador Lacson ay binanatan rin ang pahayag ni Mayor Isko patungkol sa kanilang mga senador.

Ani Sen. Lacson,

"Yorme, kaya po namamahagi ngayon ang gobyerno ng tulong pinansyal kasama na ang lungsod ng Maynila ay dahil nagpagod at nagpuyat ang mga senador kahit may banta ng COVID-19 para ipasa ang Bayanihan Act. Iyan kasi ang mandato namin. Mali ang paratang ninyo na wala kaming ginagawa."

Source: Citizen Express

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW