Senator Pimentel sinampahan na ng kaso dahil sa paglabag na ginawa umano nito sa quarantine protocol
April 06, 2020
Inanunsyo ng dating dean ng University of Makati at lawyer na si Rico Quicho sa kaniyang social media account na siya ay naghain ng reklamo sa Department of Justice ngayong Lunes lamang, Abril 6, laban kay Senator Koko Pimentel dahil sa paglabag umano nito sa mga patakaran na ipinatupad para sa quarantine na umiigting sa ating bansa ngayon.
Ani Quicho,
“I filed with the Department of Justice (DOJ) through electronic mail, a Letter-Complaint against Senator Koko Pimentel detailing the clear facts and circumstances that establish his direct violation of RA No. 11332 (the Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act) and its implementing rules and other DOH (Department of Health) regulations.”
Dagdag niya,
“With this, I hope the DOJ will swiftly act and pursue legal actions against Senator Koko Pimentel. We trust that DOJ will be true to its commitment to the Filipino people to uphold the rule of law without fear or favor.”
Sinabi rin ni Quicho na umabot sa tinatayang 200,000 na pirma ang nakuha sa pamamagitna ng online change.org petition.
Aniya,
“We are one with the Filipino people in condemning negligent and reckless acts which expose the public, especially our health workers to unnecessary risks.”
Noong Marso 24 lamang, humarap sa kontrobersiya si Pimentel matapos ianunsyo ng Makati Medical Center (MMC) ang pagbisita ni Pimentel sa naturang ospital para samahan ang asawa nitong manganganak kahit pa man siya ay infected ng COVID-19.
Si Pimentel naman ay kabilang sa mga person under monitoring (PUM) bago pa man niya ianunsyo na siya ay nagpositibo sa COVID-19 kaya naman dapat ay nanatili lamang ito sa kaniyang bahay dahil siya ay nakasailalim sa self-quarantine noong mga panahon na iyon.
Ani Quicho,
“As a lawyer and advocate of the rule of law, I cannot in good conscience allow the reckless actions of Senator Koko Pimentel to be brushed aside so easily. He blatantly violated laws, which put the lives and health of frontliners and even ordinary citizens at grave risk.”
Ani pa niya,
“He has categorically admitted his breach without remorse. And yet because of his position, he is still not being made accountable.”
Source: MB