Sister of Mother Teresa pumanaw dahil sa COVID-19 matapos nitong mahawahan habang ito ay namimigay ng pagkain
April 06, 2020
Noong nakaraang linggo lamang ay dinala sa ospital si Sister Sienna, isa sa mga madre ng Missionaries of Charity sa United Kingdom, matapos nitong makaramdam ng mga sintomas ng COVID-19. Ngunit, noong Abril 1, 2020 ay kinumpirma naman ang nakakalungkot na balita na ito ay pumanaw matapos ang ilang araw na pakikipaglaban sa naturang virus.
Ang 73-anyos na si Sister Sienna ay nagtatrabaho sa Swansea, Wales, isang lugar na matatagpuan malapit sa London. Si Sister Sienna rin ay isa sa mga naatasan na mamahagi ng pagkain para sa mga pasyenteng mayroong COVID-10.
Si Sister Sienna naman ay nagmula sa Jharkhang sa Indian, kung saan halos matagal na panahon na rin siyang nagseserbisyo sa mga tao sa England. Madalas ring dumadalo si Sister Sienna sa mga spiritual service sa Indian Catholic community. Siya naman ay nagsilbi ring madre sa loob ng 50 taon.
Samantala, ang ibang madre naman na kasamahan ni Sister Sienna ay nanghihingi naman ng panalangin sa mga publiko dahil ngayon lahat ng mga madre na kasama ni Sister Sienna sa kumbento ay nahawahan na rin ng COVID-19.
Sa pahayag na inilabas ng kumbento nila lamang, sinabi nila,
"With deep sorrow, we inform you that Sister Sienna M. C. (Missionaries of Charity founded by
Mother Teresa), 73, from Swansea Convent (Wales, United Kingdom) contracted Covid-19 while serving the sick & has gone for her Eternal rest with our Lord yesterday. She was admitted to hospital due to Covid-19 last week.
"She is from Jharkhand, India. Please pray for the repose of her soul. Kindly pray for the other M. C. Sisters in her convent. All the Sisters in her community are infected with the same disease & one is very serious.
"R. I. P., Sr Sienna, M.C."
Samantala, marami naman sa ating mga netizens ang nagpahayag ng kanilang pakikiramay para kay Sister Sienna. Hiling lamang nila na sana ay gumaling na ang iba pang mga madre na nagkaroon ng COVID-19.
Source: Catholic News World