Sundalo, inalok na i-breastfeed muna niya ang kakapanganak na sanggol habang ito ay nakatalaga sa labas ng ospital


Isa sa pinakamasaya at pinaka-memorable na pangyayari sa isang babae ay ang kanilang pagiging ina. Ngunit, ito rin ay isang mapanghamong tungkulin para sa mga babae, lalo na sa mga first timer na ina na hindi pa sapat ang kaalaman kung paano nila aalagaan ang kanilang mga sanggol.

Mas nakakalungkot pa dito dahil ilan rin sa mga first-time moms ay hindi pa gaanong nakakapaglabas ng ganoon kadaming gatas na kanilang ipapakain sa kanilang mga newborn baby. Ilan sa mga ina na ito ay madalas na lamang bumibili ng mga tinitimplang gatas hanggang magsimula nang makagawa ng sapat na gatas ang mga ina.


Ngunit, sa krisis na kinakaharap ng ating bansa ngayon dahil sa banta na dala ng COVID-19, karamihan sa ating mga pharmacies at supermarkets ay madalas na mahaba ang pila dahil sa dami ng namimili. Madalas pa na lahat ng mga importanteng pangangailangan ay nauubos kaagad, kasama na rito ang mga diapers at mga gatas.


Kamakailan lamang, naging viral sa social media ang isang sundalo dahil sa kabutihan na ipinakita nito sa isang ina na kakapanganak lamang. Ang naturang ina naman ay hindi pa nakakagawa ng ganoong karaming gatas kaya naman ang sanggol na anak nito ay umiiyak na dahil sa gutom.

Ang naturang sundalo naman, na siyang naitalaga sa labas ng ospital ng mga oras na iyon, ay naawa rin sa kalagayan ng mag-ina kaya naman inalok niya ang ina ng sanggol kung maaaring siya na lang muna ang magbreastfeed dito.


Sa post na ibinahagi ng netizen na si Bhong David, nakilala naman ang sundalo bilang si Pat Adelfa Bachicha Dagohoy. Kwento ni David, hindi daw nag-alangan o nagdalawang isip man lang ang naturang sundalo na ialok ang kaniyang gatas para sa kakapanganak na sanggol na nagugutom na nang mga sandaling iyon. Hindi na rin daw ininda nito kung sa labas na ng Samar Provincial Hospital niya ibe-breastfeed ang sanggol.

Makikita naman na nakabalot pa ang sanggol sa lampin, kung saan ito ay gawa pa mula sa sako ng harina habang ito naman ay hawak hawak ng naturang sundalo na suot suot ang kaniyang uniform.

Sa gitna ng krisis na kinakaharap ng ating bansa ngayon, talagang nakakamanghang makakita ng ganitong larawan. Kahit pa man marami sa mga netizens ang nag-aalala na baka mayroong COVID-19 ang sundalo dahil siya nga ay isang frontliner, marami pa rin sa mga netizens ang pumuri at natuwa sa ginawang kabutihan ng pulis para sa sanggol.


Source: Facebook

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW