Syrian vlogger, nagpasalamat sa mga garbage collectors at binigyan ang mga ito ng mini 'trash cans' na puno ng mga grocery supplies


Kilala ang Hungry Syrian Wanderer vlogger na si Basel Manadil dahil sa kabutihang puso na mayroon ito at dahil sa pagtulong na ginagawa nito sa mga tao na nangangailangan.

Sa kaniyang bagong vlog, nagpahayag naman siya ng pasasalamat at paggalang mula sa mga garbage collectors na matiyaga pa ring nagtatrabaho sa gitna ng COVID-19 krisis na kinakaharap ng ating bansa ngayon para lamang mapanatili na malinis ang ating kapaligiran. Bilang pasasalamat ni Basel sa mga ito, binigyan niya ang mga ito ng mini 'trash cans' na puno naman ng mga groceries.


Ibinahagi naman ni Basel ang isang video clip kung saan makikita ang gulat at saya sa mukha ng ilang mga garbage collectors dahil sa natanggap nilang munting tulong kay Basel.


Ani Basel,

“They knock to ask and collect our garbage, they are always there to clean up our mess. Inabangan ko po sila and I surprised them and made some ‘mini trash bins’ full of groceries. Pa simpleng way to help during our enhanced community quarantine.”


Makikita sa video clip ang ginawa ring paghahanda ni Basel para sa kaniyang ibibigay sa mga garbage collectors na pupunta sa kanilang lugar upang mangolekta ng kanilang basura. Dahil naisip ni Basel na ilagay sa isang mini trash cans ang mga grocery supplies na ibibigay niya para sa mga garbage collectors, pumunta si Basel sa supermarket upang bumili ng ilang garapon na mayroong laman laman na tinapay at bumili na rin siya ng ilang mga grocery supplies na ilalagay naman niya sa mga garapon.

Tinanggal naman ni Basel ang mga tinapay na nakalagay sa loob ng kahon, at pinalitan niya ang mga ito ng ilang grocery supplies para sa mga garbage collectors. Sinigurado din ni Basel na bawat isang mini 'trash cans' ay mayroong magkakaparehas na groceries na nakalagay.

Makikita na mayroon itong isang bote ng mantika, ilang mga gulay, tinapay, ilang mga canned goods, ilang pakete ng kape, at iba pang mga grocery supplies.

Matapos nito, pinapasok naman ni Basel ang mga garbage collectors sa loob ng kaniyang bahay para kuhanin ng mga ito ang 'trash cans' na inihanda niya para sa mga ito.


Ang mga garbage collectors naman ay nagulat at masaya rin para sa grocery supplies na kanilang natanggap mula kay Basel.


Ani Basel,

“I’m so happy to see them carrying food instead of garbage. At least they will feel appreciated somehow. Next time you see them, if you can’t help them dahil kapos din po, just thank them. They will appreciate it.”




Source: Youtube

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW