Si Basel Madil o mas kilala bilang The Hungry Syrian Wanderer ay isa sa mga kilalang vlogger na madalas nagbibigay ng tulong para sa mga mahihirap at nangangailangan.
At muli na naman ngang nagpakita ng kabutihan at pagtulong si Basel sa isang tao na nakita niya lamang sa daan habang mayroon itong bitbit bitbit na sako ng mga basura sa gitna ng C0VID-19 krisis na kinakaharap ng ating bansa.
Si Basel naman ng mga oras na iyon ay pauwi na sana sa kaniyang tinitirhan matapos makabili ng mga grocery supplies na kakasya sa kaniya loob ng dalawang linggo. Matiyaga ding naghintay si Basel ng ilang oras sa pagpila para lamang mabili niya lahat ng mga groceries na kaniyang kailangan.
Ani Basel,
“Waiting for long queues and spending two hours or more inside the grocery is now the new norm. After getting my food supply for 2 weeks I couldn’t help but notice this man collecting cartons on my way home and decided to follow him and gave him some of my groceries.”
Samantala, habang pauwi na si Basel galing sa grocery store, nakita niya naman ang isang lalaki na kinukuha ang mga karton na nakikita nito sa daan upang ito ay ibenta niya at kumita ng pera.
Matapos makita ang kalagayan ng lalaki, hindi nagdalawang-isip si Basel na tulungan ang lalaki. Kaya naman kaagad na hininto ni Basel ang kaniyang sasakyan sa lalaki at inalok niya ito na ibibigay na niya ang kalahati ng kaniyang groceries sa lalaki. Ang lalaki ay nanghingi pa ng ilang barya kay Basel ngunit, imbis na barya, ibinigay ni Basel sa lalaki ang kaniyang mga grocery supplies na pinamili.
Sa vlog ni Basel, makikita na naging emosyonal ang lalaki dahil sa tuwa at biyaya na kaniyang natanggap mula kay Basel. Lubos din ang pasasalamat ng lalaki sa tulong na ibinigay sa kaniya ni Basel.
Pinaalalahanan naman ni Basel ang lahat ng palaging maging mabait at mapagbigay sa kapwa sa gitna ng krisis na kinakaharap ng ating bansa ngayon.
Saad ni Basel sa kaniyang Facebook post,
"Waiting for long queues and spending 2 hours or more inside the grocery is now the new norm. After getting my food supply for 2 weeks I couldn't help but notice this man collecting cartons on my way home and decided to follow him and gave him some of my groceries.
"As a citizen of the world, we need to constantly remain aware of how difficult things are going to be. And we will have to accept the fact that we will struggle. Once we’ve done that, everything will become possible. Because we will no longer complain about how difficult things are. Because we are going to focus on doing the best work we possibly can. Because we will become an unstoppable force of forward motion.
"We need our strength to keep pushing forward until we turn something seemingly impossible into reality. Together, let's all follow the enhanced community quarantine, look after those who are in need, remain strong and stay positive. Let's be united. "
Source: Facebook