Tindera, naiyak na lamang matapos manakawan ng Php30k ang kaniyang mga tinitindang gulay
April 23, 2020
Sa pagsubok na kinakaharap ng buong mundo ngayon dahil sa banta na dala ng C0VID-19, mayroon pa din ilang tao na mas pinipili na maghanapbuhay para lamang kumita ng pera pambili ng pagkain ng kanilang pamilya kahit pa man mahigpit na pinagbabawalan ang lahat na huwag munang umalis sa kani-kanilang mga tirahan.
Ngunit, nakakalungkot lamang isipin na kahit pa man mayroon na tayong krisis na kinakaharap ngayon, mayroon pa ding ilan ang gumagawa ng masama at hindi maganda sa kaniyang kapwa.
Ayon sa ulat na The Freeman, pinili pa din magtinda ng tindera na ito mula sa Cebu City ng mga gulay para lamang kumita ng pera ngunit hindi siya nakakuha ng quarantine pass bago pa man siya umalis ng kanilang bahay.
Ang quarantine pass ay ang siyang magpapatunay na ang isa sa mga miyembro ng pamilya ay maaaring lumabas ng kanilang bahay. Ngunit, ang tindera ay na-aresto naman ng mga nagbabantay sa checkpoint dahil hindi nito nasunod ang ECQ protocols. Ang mas nakakalungkot pa dito ay naiwan niya ang mga gulay na kaniyang paninda at nang binalikan na niya ito, lahat ng mga paninda niya ay wala na sa pwestong pinag-iwanan niya nito.
Saad sa isang Facebook post,
“A vegetable vendor in Cebu City sits by the road and weeps after realizing she has lost P30,000 to thieves shortly after she was arrested for going out without a quarantine pass.”
Dagdag pa dito, inaresto din ng mga bantay sa Cebu City ang ilang mga senior citizens at menor de edad sa magkaparehang paglabag.
Samantala, madami naman sa ating mga netizens ang nagbigay ng iba't ibang reaksyon ukol sa naturang post.
Narito ang ilan sa mga komento ng ating netizens:
“Hoy, this feels awful! They should have handled it properly and not compromising someone else’s livelihood/business. My heart breaks for nanay, 30k is never easy to earn in this times of crisis. God bless Nanay!”
“There should be a better way of implementing this ECQ. We need the vendors, they should be given a pass. A separate team or a special committee from the City Hall that should look after them (looking after their health, sanitation, transportation, safety and scheduling), they are also front liners. Just to add my 2 cents.”
Source: VP