Sa kabila ng pagsubok at krisis na kinakaharap ng ating bansa ngayon dahil sa banta na dala ng C0VID-19, talaga nga namang mayroon at mayroon tayong makikita na ilang tao na magbibigay ng inspirasyon sa atin upang lumaban at magbigay din ng tulong sa ating kapwa. Sa ganitong mga sitwasyon, talagang makikita din ang pagbabayanihan at pagmamalasakit ng bawat Pilipino sa isa't isa.
Kahit pa man nga mga Pilipino na siyang lubos na apektado ng lockdown o enhanced community quarantine sa bansa ang isa sa mga nagbibigay ng tulong at nagpapakita ng malasakit sa kapwa nila mga Pilipino.
Katulad na lamang ng babaeng ito na nagpakita ng kabutihan sa kaniyang kapwa.
Si Elizabeth Buguina mula sa barangay Dassun, Solana ay isa sa mga qualified upang mabigayn ng ayuda na galing social amelioration program ng DSWD. Si Elizabeth ay naglalako ng iba't ibang gulay sa kanilang karatig-barangay na tanging pinagkukuhanan niya upang mapunan ang pangangailangan nilang pamilya sa araw-araw.
Ayon sa post ng Facebook page na Dassun Solana Cagayan, pinuntahan ni Elizabeth ng personal ang isa sa mga kagawad ng kanilang barangay na si Hon. Dominador M. Cagurungan at ang kapitana ng kanilang barangay na si Hon. Conchita L. Mabborang upang sabihin sa mga ito ang nais niyang ibigay na tulong para sa kanilang mga kabarangay. Nais ni Elizabeth na ipamahagi sa kanilang barangay ang ayuda na kaniyang natanggap mula sa SAP at ibigay ito sa lubos na nangangailangan.
Saad din ni Elizabeth, nais niyang ibahagi ang biyayang natanggap niya ito para sa mas nangangailangan.
Basahin sa ibaba ang sulat ni Elizabeth:
"Dearest Madam Kapitana,
"Ako po si Elizabeth A. Buguina na nakatira sa Dassun, Solana, Cagayan, Zone 6. Isa po ako sa makakatanggap ng tulong ng gobyerno. Ang aking decision ay ibigay niyo po sa MAS HIGIT NA NAGANGAILANGANG MAMAMAYAN. Maraming salamat nalang po sa inyong lahat.
"Signed, Elizabeth A. Buguina, witnessed by kagawad Dominador Cagurungan, Purok leader."
Samantala, marami naman sa ating mga netizens ang nagpahayag ng kanilang paghanga kay Elizabeth dahil sa kabutihan na ipinakita nito.
Narito ang ilan sa kanilang komento:
"We salute you po. Sa goodheart and kindness mo po. May God bless you always."
"Sa dinami dami ng mga na nagrerekmo na Hindi sila nakatangap sa ayuda ng godyerno bakit ang isang katulad nya na naghihirap sa buhay ay sya pa ang malawak ang pang-unawa ilang tao pa kaya ang tulad nya sa mundo..."
"God will return all the favors to you ma'am..."
"Mabait nio nmn.sana marami pang katulad nio..nakakaintindi s hirap ng buhay..alam po natin n hirap din kau s buhay pero mas inintindi nio un kapwa nio n my mas nangangailan ng form..god bless po sainyo at family nio po!!"
Source: Facebook