Tricycle driver ginamit ang Php2k na ayuda bilang panimula sa kaniyang barbecue business na kumikita ng Php1,200 kada araw


Karamihan sa atin ngayon ay lubos na apektado ng C0VID-19 krisis na kinakaharap ng ating bansa. Marami pa sa atin ang nanatili na lamang sa kani-kanilang mga tahanan dahil hindi sila maaaring makapaghanapbuhay o trabaho dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine sa ating bansa upang maiwasan ang patuloy na pagdami ng kaso ng C0VID-19.

Mabuti na lamang, marami sa mga pribadong kumpanya at mga tao, maging ang ating pamahalaan ay gumagawa ng paraan upang makapagbigay ng cash assistance at mga relief goods para sa mga pamilyang apektado ng ECQ.

Ngunit, nakakalungkot lamang dahil mayroong ilang mga Pinoy na nakakatanggap ng cash assistance na ginagamit lang ang natatanggap para sa kanilang sariling bisyo gaya ng pagbili ng alak, pagbili ng pinagbabawal na gamot, at iba pa.

Photo credit: Sherrie Ann Torres, ABS-CBN News/CFO PESO SENSE – Facebook
Subalit ang isang tricycle driver na ito mula sa Quezon City ay naging usap-usapan ngayon sa social media matapos nitong ipanghanapbuhay ang cash assistance na kaniyang natanggap mula sa gobyerno.

Si Samad Maulana na nakatira sa Barngay Culiat, Quezon City ay hindi pa din makapagtrabaho hanggang ngayon bilang tricycle driver dahil pansamantala munang ipinahinto ang operasyon ng kahit anong pampublikong transportasyon ngayon sa bansa bunsod ng ECQ.

Si Samad naman ay isa sa mga nakatanggap ng Php2,000 mula sa gobyerno, ngunit, alam naman natin na ang maliit na pera na ito ay hindi sapat at tatagal lamang ng ilang araw o linggo.

Kaya naman naisip ni Samad na palaguin ang pera na kaniyang natanggap. Kaagad ginamit ni Samad ang pera bilang kaniyang capital upang magsimula nang kaniyang barbecue business sa kanilang barangay imbis na ipambili niya ang pera ng pagkain nilang pamilya.

Photo credit: STEEMKR
Gamit naman ang Php2,000 na kaniyang natanggap, nagawa niyang mapalago ang kaniyang negosyo at ngayon nga ay kumikita na siya ng Php1,200 kada araw.

Marami naman sa ating mga netizens ang humanga sa naisip na ito ni Samad. Saad ng ilan sa kanila ay dapat si Samad ang tularan ng marami sa atin na gamitin ang pera sa magandang paraan imbis na gamitin ito upang bumili lamang ng mga pangbisyo.

Narito ang ilan sa komento ng ating mga netizens:

“Ito ang masarap tulungan. Good job ka jan Kuya!”

“More ayuda para Kay kuya, money was not wasted, good job po.”

“God bless kuya…. Kahangahanga Ang Iyong kaisipan dahil d mo binalewala ang paghihirap ng iba para ma bigyan ka ng pera… At ngayon etoy pinaparami mo pa… God bless kuya…”

Source: Buzzooks

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW