Sa kabila ng krisis at problema na kinakaharap natin ngayon, nakakatuwa lamang makakita ng mga tao na nananaig pa din ang kabutihan sa kanilang puso kahit pa man isa sila sa lubos na apektado ng umiiral na enhanced community quarantine sa bansa.
Pinuri ng maraming netizens ang isang lalaki matapos nitong isauli sa kanilang barangay hall ang napulot na wallet habang siya ay naglalako ng kaniyang paninda sa daan.
Ayon sa post na ibinahagi ng Facebook page na News5, kaagad dinala ni Kuya Jojo Tiamzon sa Barangay Hall ng Longos, Malabon ang pitaka na kaniyang napulot na may lamang Php10,000 at ilang mahahalagang I.D. Naisip naman ni Kuya Jojo na dalhin kaagad ang napulot na wallet sa barangay hall upang ito ay mabalik na kaagad sa may-ari na si Jose Pacho.
Kahit pa man hirap sa buhay, hindi nagdalawang isip si Kuya Jojo na ibalik ang wallet sa may-ari nito nang walang hinihintay o hinihinging kapalit na kahit ano dahil ang mahalaga lamang sa kaniya ay maisauli ang wallet sa may-ari nito.
Inulan naman si Kuya Jojo ng paghanga at papuri mula sa maraming netizens dahil sa kabutihan na ipinakita nito. Tunay nga naman na sa kabila ng kahirapan at pagsubok na pinagdadaanan natin ngayon, mayroon pa ding ilang tao na nagpapaalala sa atin na madami pa din ang mabubuting tao at magagandang bagay ang nananatili sa mundo, at isa na nga dito si Kuya Jojo.
Narito ang ilang komento ng ating mga netizens:
"Godbless you sir. Despite of crisis we're facing still, a good person and has dignity. Salute"
"He deserves an instant reward! god bless you po manong!"
"Honesty and dignity rare to see now a day thank you God bless"
Tiyak na ang kabutihang ipinakita na ito ni Kuya Jojo ay mayroong malaking balik sa kaniya. Good bless Kuya Jojo! Isa ka sa mga nagbibigay ng inspirasyon ngayon para sa marami.
Source: Facebook