WHO, pinuri ang adminsitrasyong Duterte dahil sa pagpapalawig pa nito ng lockdown sa Luzon
April 10, 2020
Sa pahayag na inilabas ng World Health Organization (WHO) kamakailan lang, sinabi ng naturang ahensya na tama lamang ang ginawang desisyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ang enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon at maging mahigpit ang mga awtoridad na nagbabantay sa mga entry at exit points ng bawat lugar sa buong Luzon.
Saad pa ng WHO, ang ECQ din ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi gaanong kalaki ang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa. Dagdag pa ng naturang ahensya, kung susunod lamang mga tao ay tiyak na magiging mabilis ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ani WHO Western Pacific Regional Director Dr. Takeshi Kasai,
"Philippines, because of the lockdown, we are not experiencing so-called large-scale community outbreak. What's really important is to try to stay in this stage as much as possible, and if possible, to suppress."
Sinabi din ni Kasai na mas importante ngayon ang pakikipagtulungan at pagsunod ng mga tao sa mga pinag-uutos ng pamahalaan na manatili na lamang sa loob ng bahay, kung wala namang importanteng lakad sa labas, upang maiwasan ang pagkalat ng naturang virus.
Aniya,
"Even it is lockdown, it's important for everyone to stay home, protect yourselves, and your family. Second thing is even under the lockdown, infections might continue, so it's very important to organize public health intervention such as tracing and identifying the contact."
Nang matanong naman si Kasai kung kailangan pa bang mas palawigin pa ang ECQ sa buong Luzon kahit pa man matapos na ang buwan ng Abril, sinabi nito na mas kailangan ng pamahalaan ng bagong paraan ng 'intervention.'
Saad ni Kasai,
"It is important to be vigilant and make cautious, thorough decision. When you extend the lockdown, it's not continuing the same level of interventions, there are some options to peel one by one."
Samantala, ngayong linggo lamang din ay inaprubahan ni Pangulong Duterte na mas palawigin pa ang ECQ sa buong Luzon.
Ani Cabinet Secretary Karlo Nograles,
"Provided, that all exemptions granted by the Office of the President or the IATF shall continue to be in effect for the duration of the extended ECQ. Provided further that such extension of the ECQ shall be without prejudice to the discretion of the President to relax the implementation of the ECQ in some local jurisdictions, or the granting of exemptions in favor of certain sectors, as public health considerations and food security may warrant."
Source: Citizen Express