Wowie de Guzman, pingabubutihan ngayon ang pagiging ama at ina sa kaniyang nag-iisang anak


Sino nga ba naman sa atin ang hindi makakakilala sa sa actor na si Wowie De Guzman na isa sa mga sikat na personalidad noong dekada 90? Siya ay nakilala at hinangaan ng marami, hindi lamang dahil sa angking galing niya sa pagsasayaw, kung hindi dahil na din sa pinakita niyang galing sa larangan ng pag-arte.

Dahil dito, madami ding oportunidad ang nagbukas kay Wowie. Siya din ay nagkaroon ng iba't ibang pelikula na talaga namang pumatok sa madla. Ilan ding mga beterano at magagaling na artista at personalidad ang nakasama ni Wowie, isa na nga dito ang actress na si Judy Ann Santos.

Ngunit, matapos ang ilang taon na pananatili sa showbiz industry, pinili ni Wowie na umalis na sa mundo ng showbiz at pinagtuunana na lamang niya ng pansin ang pagsasayaw at ang kaniyang sariling pamilya.



Si Wowie ay naikasal kay Sheryl Ann at sila ay nagkaroon ng isang anak. Ngunit, taong 2014, ay pum4naw naman ang asawa ng dating actor, makalipas lamang ang ilang buwan bago nito mapanganak ang kanilang anghel.

Isa naman ito sa pinakamasakit at nakakalungkot na pinagdaanan ng actor dahil hindi na niya makakasama pa ang kaniyang asawa kahit kailan na mag-alaga at palakihin ang kanilang anak. Maging ang kanilang pangarap na mag-asawa ay tila naglaho din.



Ngunit, kahit ganoon ang nangyari sa kanilang pamilya, mas naging matatag si Wowie para sa nag-iisang anak na si Alexandra Rafaella na siyang nagsisilbing lakas ni Wowie upang huwag sumuko at magpatuloy lamang sa buhay.

Sa ngayon, mahigit limang taon na din simula nang naging biyudo si Wowie. Siya na din ang tumayo bilang ina at ama para kay Alexandra.


Makikita naman sa ilang mga larawan na ibinabahagi ni Wowie sa kaniyang mga social media accounts ang bonding nilang mag-ama.


Tuwing may pagkakataon si Wowie at hindi abala, ginagamit niya ito upang ipasyal at ilabas ang kaniyang anak sa iba't ibang lugar. Marami naman sa ating mga netizens ang nagpahayag ng kanilang papuri at paghanga sa actor dahil sa pinapakita nitong pagmamahal sa anak at hindi nito pinaparamdam sa kaniyang anak na tila mayroong kulang sa kanilang pamilya.

Source: Artikulo

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW