Tiyak madalas tayong nakakatanggap ngayon ng ilang kilong bigas, ilang piraso ng mga noodles at canned goods bilang mga donasyon at relief goods na ibinabahagi sa atin ng ating pamahalaan at mga kababayan na nagbibigay din ng tulong para sa mga kababayang mahihirap at nangangailangan.
Ngunit, ang Indian actor na si Aamir Khan ay nakaisip ng iba at unique na paraan upang mamahagi ng tulong para sa mga nangangailangan. Kumpara sa ginagawa ng iba na namamahagi na lamang ng mga relief goods at donasyon sa ibang tao, naisip ni Aamir na subukin muna ang mga tao upang makita niya talaga kung sino ang mga nangangailangan at kung sino lamang ang nararapat na tulungan sa kanila.
Si Aamir ay isa sa mga sikat na actor sa kanilang lugar, hindi lamang dahil sa galing niya sa pag-arte at sa taglay na good looks, kung hindi nakilala din siya dahil sa kaniyang pagpapakita ng kabutihan at pagmamalasakit sa kapwang nangangailangan.
Ayon sa source, naipadala na ang isang truck na punong puno ng isang kilogram na harina sa Delhi na ibibigay para sa mga taong nangangailangan ng tulong sa lugar.
Ngunit, ilan sa mga resident ay hindi na nag-abala pang kumuha ng harina dahil iniisip nila na wala naman silang maaaring magawa sa harina na makukuha nila. Gayunpaman, mayroon pa ding ilan na talagang nangangailangan ang mas piniling kumuha ng harina. Lingid sa kanilang kaalaman, mayroon pa palang isang bagay silang makikita sa loob ng plastic bag na mayroong lamang harina na talagang makakatulong sa kanila sa ilang linggo habang naka-lockdown sa kani-kanilang bahay.
Nagulat na lamang sila nang makita ang 15,000 rupees o tinatayang Php10,000 sa loob ng plastic bag na kanilang nakuha.
Base sa source, ang ideyang ito ay naisip ni Aamir upang makita talaga kung sino ang mga taong mas nangangailangan ngayon na mayroong krisis na kinakaharap ang buong mundo.
Gayunpaman, ang nasabing post na ito ay hindi pa naman nakukumpirma, ngunit, kung sakali man na ito ay totoo, ang ideyang ito na naisip ni Aamir ay talagang magandang paraan upang makapagbigay ng tulong para sa mga mas nangangailangan.