Landlady, nilibre ang renta ng mga nangungupahan sa kanila hanggang matapos ang ECQ
May 05, 2020
Sa tuwing mayroong problema o krisis na kinakaharap ang ating bansa, lalo na ngayon dahil sa banta na dala ng C0VID-19, nakakatuwa lamang isipin dahil talagang lumalabas ang pagbabayanihan at pagtutulungan ng bawat Pilipino sa isa't isa.
Karamihan sa ating mga kababayan ngayon ay lubos na apektado ng enhanced community quarantine sa bansa, kaya naman marami sa ating mga kababayan, lalo na ang mga mahihirap at nangangailangan ay isa din sa mga problemado ngayon kung saan sila maaaring makahanap ng pera upang pambili nila ng kanilang pagkain hangga't umiiral ang ECQ sa bansa dahil hindi sila makapaghanapbuhay bunsod nga ng ECQ.
Ngunit, nakakatuwa lamang isipin na karamihan pa din sa atin ay nagbibigay ng tulong para sa mga mahihirap at nangangailangan sa gitna ng krisis na kinakaharap ng ating bansa ngayon.
Katulad ng ipinakitang kabutihan ng netizen na ito at ng kaniyang asawa upang makatulong sa kapwa.
Sa post ng netizen na si Maine Chu, sinabi nito na tila nakukunsensiya silang mag-asawa na singilin pa ng renta ang mga nangungupahan sa kanila dahil alam nilang wala din itong pera ngayon at hanapbuhay dahil nga sa umiiral na ECQ sa bansa. Saad ni Maine, napagdesisyunan na lamang niya at ng kaniyang butihing asawa na huwag munang singilin at ilibre na lamang muna ang tatlong bahay na kanilang pinauupahan simula Marso 14 hanggang Abril 15, o depende kung kailan tuluyan ng mawawala ang bisa ng lockdown sa bansa.
Ani Maine sa kaniyang post,
"Sa panahon ngaun nakakakunsensya maningil ng rental ng paupahan kaya napagdesisyunan namin mag asawa last march 14 na free rental (P19,500/month) from march 14 to april 15) door 1, door 2 and door 3) saka na ulet kapag pare parehas na lahat makaahon depende sa pagkawala ng lockdown."
Kwento pa ni Maine, nagulat na lamang din silang mag-asawa nang maiyak ang mga nangungupahan sa kanila nang kausapin nila itong mag-asawa at sabihin na hindi na muna nila sisingilin ang mga ito sa renta ng bahay. Lubos din ang pasasalamat ng mga ito sa kanila dahil sa kabutihan na ipinakita nilang mag-asawa para sa kanilang mga nangungupahan.
Saad ni Maine, kahit pa man mahirap ang desisyon na ito na ginawa nilang mag-asawa, mas kailangan ngayon ng matinding pag-unawa at pagtutulungan ng bawat isa sa atin sa panahon ng krisis na kinakaharap ng ating bansa.
Hiling lamang ni Maine na sana ay maging inspirasyon at maging magandang halimbawa para sa lahat na tumulong sa mga mahihirap na kababayan at mga nangangailangan.
Basahin sa ibaba ang buong post ni Maine:
"Sa panahon ngaun nakakakunsensya maningil ng rental ng paupahan kaya napagdesisyunan namin mag asawa last march 14 na free rental (P19,500/month) from march 14 to april 15) door 1, door 2 and door 3) saka na ulet kapag pare parehas na lahat makaahon depende sa pagkawala ng lockdown.
Sobrang naiyak cla sa tuwa nong kinausap namin sila isa isa by doors. Mahirap man sa aming mag asawa ang decision na ito dhil hinde cia on board pero kelangan talaga ang pang unawa sa kanila sa panahon ngayon.
"Sana maging inspirasyon ito sa ibang nagpapaupa."
Marami naman sa ating mga netizens ang pumuri sa kabutihang ipinakita na ito nila Maine para sa mga nangungupahan sa kanilang bahay.
Source: Facebook