"PROBINSYA" - diyan matatagpuan ang mga palayan at mga taniman. Bukod sa mga pananim tulad ng mga fresh na gulay at prutas ay sasalubong din sayo ang "fresh", malamig at malinis na hangin na nagmumula din sa mga luntiang mga halaman at puno.
Tila isang refreshing moment nga talaga kung ikaw ay pupunta sa mga probinsya.
Sa mundo dito sa lungsod ay talagang nakaka stress. Bukod sa traffic at mga walang humpay na busina ng mga motor, jeep at iba pang sasakyan ay kasabay na sasalubong din sayo ang maitim at maduming hangin dulot ng mga usok mula sa mga sasakyan at mga pabrika ng kung ano-ano.
Kaya naman sa buhay ni Alice Dixson na isang artista at naninirahan sa isang lungsod upang mabuhay at magtrabaho ay talagang miss na miss niya na ang kanyang probinsyang kinalakihan.
Sa Quezon province siya nanirahan noong siya ay bata pa kasama ang kanyang mga magulang. Ngunit, nang lisanin nila ang mundo ay iniwan ng kanyang magulang sa kanya ang isang mala isla at malaking lupain.
Nang bumalik si Alice dito ay agad agad siyang iginala ng kanyang pinsan na si Butch. Doon ay tinuruan din siyang gumawa ng kopra at kung paano mamuhay ang mga tao doon.
Sa minsan niyang pagkawala sa lungsod ay namiss niyang mamuhay ng simple at normal. Hindi din niya nakalimutan na dalawin ang mga taong nakasama niya noong siya ay bata pa at naninirahan sa kanila.
Bumisita din siya sa Mayor nila sa Quezon Province dahil hanggang ngayon daw ay itinuturing siya bilang "Pride of Quezon" hanggang sa ngayon.
Narito ang ilang comments matapos niyang ipost ang kanyang mga pictures sa socmed.
"A rest house with overlooking view, a beach, simple life. "PERFECT!""
"WOW ang lapad ng ancestral property nyo po! Your former nanny looks amazing at 87. Iba talaga ang buhay sa probinsya. Excited ako na magkaron ka ng resort dyan."