Mahirap ang buhay ng isang sundalo. Madalas silang napapasabak sa iba't ibang sitwasyon at laging naisasapanganib ang kanilang buhay. At dahil sa di-inaasahang mga pangyayari, maaaring iyon na ang kanilang 'huling' paalam sa kanilang minamahal.
Nasa ganiyang sitwasyon si 1st Lieutenant Todd Weaver ng US Army. Nam4tay si Todd sa dahil sa IED noong kaniyang ikalawang paglalakbay sa Afganishtan. Naiwan naman niya ang kaniyang asawang si Emma at ang kaniyang 9-mo. old baby na si Kiley.
Dalawang araw pagkatapos mailibing si Todd, mainabuti ng kaniyanhg asawang si Emma na buksan ang laptop ni Todd na dala dala niya noon sa Afganishtan. Napuno naman ng emosyon si Emma sa kaniyang nakita sa laptop.
Sa desktop ay mayroong dalawang word file na nakalabas. Nakapangalan ito kay Emma at sa kaniyang baby na si Kiley. Bago pa man mamatay, nakagawa na ng liham ng pamamaalam si Todd sa kaniyang mag-ina na mababasa nito kung sakaling may masamang mangyari sa kaniya.
Punong puno naman nang pagmamahal ang liham ni Todd sa kaniyang mag-ina. Mababasa sa word file ang mga sumusunod:
Sa blog naman ni Emma, ibinahagi niya ang kaniyang damdamin para sa liham ng kaniyang namapayang asawa.
Aniya, 'I couldn't imagine being at war and seeing what he did everyday and then having the courage to write goodbye letters to the one's you love. He was so strong,'
Proud naman si Emma sa liham ni Todd sa kaniya. Bilang alaala, ang liham na ito ay inilakip niya sa kanilang wedding picture gayundin, sa larawan ni Kiley at ni Todd.
Palagi nila itong nababasa at si Kiley naman, bagaman maagang naulila sa ama ay mararamdaman pagmamahal ng kaniyang Daddy habang lumalaki siya.
Inilibing naman si Todd Weaver sa Arlington National Cemetery, Virginia noong October 15, 2010. Pinarangalan naman siya ng Bronze Star at Purple Heart medals kasama pa ang ilang mga pagkilala.
Sinisikap naman ni Emma Weaver na manatiling malakas para sa kaniyang anak na si Kiley. Bagaman wala na si Todd, palagi naman siyang nasa puso at aalala ni Emma.