Buhay Ng Dating Aktres Na Si Monina Bagatsing



Taong 90's noong labis na sumikat ang dating artista na si Monina Bagatsing. Siya ay kapatid ng mga gwapong aktor sa industriya ng showbiz na sina RK at Raymond Bagatsing. 


Kahit ano mang kasikatan ang natamo ng aktres gaya ng ibang artista ay mas pinili na lamang nito ang mamuhay ng simple, normal malayo sa showbiz kasama ang sariling pamilya nito. Kung matatandaan si Monina ay sumikat sa pelekula noon na "Hey Babe" at sa teleserye na "Pangako Sayo". 


Dahil nga sa paglaho ng aktres sa showbiz ay marami sa kanyang mga taga hanga ang labis na nalungkot at nabigla sa pag iwan nito sa industriya ng showbiz. Ilang taon din ang naka lipas matapos muling masubaybayan ang aktres sa telebisyon. Kung saan ikinatuwa ng kanyang mga fans ang pag kita muli sa kanya. 


Ito ay matapos siyang mag guest sa kilalang morning show sa Kapamilya Network na "Magandang Buhay" kung saan siya at nagbigay ng kanyang mensahe sa kapatid na si RK Bagatsing. 


Lalong pang nasaksiha  ng karamihan kung ano na nga ba ang kanyang buhay ngayon. Ito ay matapos magkaroon siya ng video sa YouTube tungkol sa kasalukuyang pamumuhay niya ngayon. 


Sila ng kanilang pamilya ay tahimik at simpleng naninirahan sa San Francisco, California. Iniwan man niya ang mundo ng pagiging artista ay hindi ito nagkaroon ng sapat na dahilan para siya ay hindi mamuhay ng masaya kasama ang kanyang pinaka mamahal na pamilya.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW