Doc Willie Ong, nililibre na ang mga nagpapagamot sa kaniya, lalong lalo na ang mga kapwa Pinoy na mahihirap


Si Doc Willie Ong ay isa sa mga personalidad at doctor na hinahangaan ng marami ngayon. Sa katunayan nga nyan, marami pang mga netizen na ninanais na siya na lamang ang pumalit sa Department of Health (DOH) Secretary ngayon na si Francisco Duque III.

Kahit pa man sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya tatanggalin si Duque sa kaniyang pwesto, marami pa ding mga Pilipino ang nagbibigay ng suporta para kay Doc Willie at sa mga videos na inu-upload niya sa kaniyang YouTube channel na mayroong kinalaman sa kalusugan. Ito ay talagang importante ngayon, lalo na at mayroong pandemya na kinakaharap ang ating bansa at ang mga tao ay ayaw magpunta sa mga pagamutan.


Sa isang episode ng GMA show na Kapuso Mo, Jessica Soho kamakailan lamang, nagkaroon ng pagkakataon na makapanayam ni Jessica si Willie via video call. Dito ay napag-usapan din nila kung kamusta na nga ba ang pamumuhay ni Doc Willie ngayon at ang kaniyang pagiging 'online doctor'.



Saad naman ni Doc Willie, naisip niya na mag-upload ng mga videos na may kinalaman sa kalusugan dahil nais niyang makatulong sa kapwa Pilipino na walang pera ngunit gustong gumaling. Sa pamamagitan daw kasi nito, magkakaroon na ang mga Pilipino ng sapat na kaalaman kung ano ang kanilang mga maaaring gawin kung sakaling sila ay dapuan ng sakit nang hindi na kailangan pang gumastos at pumunta ng ospital.

Inumpisahan naman ni Doc Willie ang pagv-vlog noong 2012. Sa kasalukuyan ay umabot na sa 3.6 million subscriber ang kaniyang YouTube channel.



Sinabi din ni Doc Willie na simula pa noong 2006, hindi na siya tumatanggap ng kahit anong professional fee sa tuwing mayroong nagpapagamot o nagpapakonsulta sa kaniya. Nais din niya kasi makapagbigay ng serbisyo para sa mga mahihirap.


Sabi ni Doc Willie,

“Maniwala man ‘yung tao o hindi by 2006 lahat ng professional fee ko tinanggal ko na… For 14 years.”

Dagdag niya,

“Alam mo, ‘pag ang pasyente siningil mo, iisipin nun ‘kinukwartahan mo ako eh.’ Pero sa oras na sabihin mo sa pasyente na ‘hindi kita sisingilin, tutulungan lang kita, sundin mo lang ito…’ mabilis sumunod. Tingin sa iyo anghel na! The more I can help, I am happier!”


Napag-usapan din nila ang naging karanasan ni Doc Willie nang ito ay tumakbo noong 2019 senatorial elections kung saan sinabi niya na doon lamang niya napagtanto na hindi na siguro siya tatakbo sa kahit anong posisyon sa pamahalaan dahil masaya na siya ngayon na nakakapagbigay siya ng kaalaman sa mga Pilipino.


Source: Youtube

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW