Maraming mga puno at halaman ang tumutubo sa ating bayan. At isa sa mga pinakapamilyar na puno, na madalas nating nakikita sa bawat lugar natin ay ang puno ng talisay.
Madalas nating makita sa gilid ng daanan ang nalalaglag na dahon ng dalisay hanggang sa matuyo ito.
Pero sino ba naman ang mag-aakala na ang tuyong dahong ito, na sinusunog na lamang o itinatapon sa basurahan ay puwede pa lang gawing pera?
Ang nurse at online-seller na si Kerwin Anne Reyes ang nakahanap ng paraan ara pagkakitaan ang tuyong dahon ng talisay.
Ang totoo, naibebenta niya ang 10 piraso nito sa halagang Php 49.00. At patok din ng paninda niya sa mga online stores!
May mga nagulat at napataas ang kilay sa product ni Kerwin. Paano ba naman kasi, ang dahong tuyong dahon na ito ay sinusunog lamang ng ibang tao. Pero kahit may mga bashers, natatawa at tuloy lang si Kerwin sa kaniyang business.
Ayon kay Kerwin, wala siyang malaking puhunan sa kaniyang negosyo at hindi rin naman gaanong nagpapakaapgod.
Ang totoo, hinihintay lang niyang bumagsak ang mga dahon ng talisay sa kaniyang bakuran. Pagkatapos mabilad sa araw ng ilang oras, ready for harvest ang packing na ang sun-baked talisay leaves ni Kerwin.
Curious naman ang maraming netizen sa kakaibang product ni Kerwin kaya naman lumabas ang kasagutan sa tanong na ito.
Ang tuyong dahon ng talisay ay mabenta pala sa mga breeders ng betta fighting fish. Ang mga betta fighting fish ay mayroong nagagandahang mga kulay kaya naman patok itong koleksyon ng karamihan.
Kaya naman maraming breeders ang nagsusulputan dahil na rin sa magandang bentahan ng betta fighting fish.
Sensitive naman sa pagbabago sa tubig ang mga fighting fish na ito. Isa pa, mas mabilis dumami ang betta fighting fish sa tulong ng tuyong dahon ng talisay. Kaya naman, patok ang paninda ni Kerwin sa mga breeders.
Ang betta fighting fish ay maaaring maibenta sa halagang Php 80.00 hanggang sa tumataginting na Php 15,000 sa bawat kakaibang variations nito.
Kaya naman para sa mga betta fighting fish breeders, sulit na puhunan ang ibinabayad nilang Php 49.00 sa produkto ni Kerwin.