Isa sa mga matutunog na love team sa panahon ngayon ay ang tambalang Jessy Mendiola at Luis Manzano.
Madami silang pinagdaanan na issues tungkol sa relasyon nilang dalawa. Kasama na diyan ang mga pangalan ng mga sikat ding mga artista na nadadamay sa pagsasamahan ng dalawa.
Ngunit, ipinakita ng dalawa na matatag sila at hindi sila magpapagiba sa sinasabi ng ibang tao tungkol sa kanilang dalawa.
Taon na din ang pinagsamahan ng dalawa at hanggang ngayon ay aktibo sila sa kani kanilang mga socmed accounts lalo na sa panahon ngayon ng pandemya na kung saan ay limitado ang dalawa sa pagkikita.
Ngunit, isang matunog na balita ang umantala at patuloy na umaantala sa ating mga netizens ngayon kasama na ang kanilang mga fans at bashers.
Totoo nga bang hiwalay na ang tambalang Jessy at Luis?
Kamakailan, isang malaking pasabog ang pinost ni Jessy sa kanyang IG account na may katagang "IM FINALLY FREE" kung saan ay pinagpiyestahan ito agad agad ng mga netizens.
Madami ang nagulat at nacurious kung para kanino ba ang ipinost ng aktres. Ito ba ay para kay Luis Manzano? Madami ang nagtatanong kung hiwalay na ba talaga sila ni Luis.
"I’m finally free of doubts, anger, and insecurity. My whole life I’ve been in a constant battle with myself. I’ve always doubted what I could do, I was afraid of change. I couldn’t see my worth and how important I was in this life."
Dadaan nga naman tayong lahat sa mga pagsubok sa buhay ngunit wag nating kalimutan na dumulog sa kanya at tayo ay kanyang pakikinggan.