Masasabing isang malaking hamon ang sumalubong sa atin ngayong pagpasok ng taong 2020. Nariyan ang iba't-ibang kalamidad at mga hindi kaaya-ayang balita at pangyayari tulad na lamang nang nararanasan natin sa panahon ngayon ng pandemya dahil sa C0VID-19.
Sa kabila ng lahat ng iyan ay madami ang nagsasabi na nalalapit na daw ang katapusan ng mundo at nalalapit na din ang kanyang pagbabalik sa ating mundo. Ngunit, sino ba tayo at ano ba ang katayuan natin sa mundong ito upang magsabi ng mga ganyang haka haka.
Ang mga ganitong pananaw ay mas lalong umigting matapos ang muling pagkabuhay ng Ilog Negev sa bansang Israel. Sinasabing ito ay "Muling Pagkabuhay" dahil madaming taon at century na din ang lumipas matapos hindi na dumaloy ang tubig sa ilog na ito.
Ang ilog ito na may pangalan na "Negev" ay hango sa salitang Hebreyo na ang ibig sabihin ay "Dry" o "Tuyo". Matatagpuan sa Negev Desert ang nasabing ilog kaya naman hindi na din nakakagulat na wala talagang dadaloy na tubig dito.
Ngunit, nito lamang March 14, 2020 ay isinapubliko ang video na ito na kung saan ay nag-aabang ang mga tao sa Negev Desert sa muling pagdaloy ng tubig sa ilog.
Kung mapapansin niyo ay bago pa man dumaloy ang tubig ay maririnig na agad ang pagpagaspas ng paparating na tubig. Hanggang sa dumaloy na ito ng malaya at nagtabihan ang ilang mga tao na nasa bukana mismo ng ilog. Napakalakas ng agos at nakakatuwang tignan.
Tila isang himala ang nangyari ngunit ang dahilan ng pagkabuhay nito muli ay ang malalakas daw na pag-uulan sa mga karatig nitong lugar.