Pinag-aaralan din ng mga siyentipiko sa ibat-ibang bansa ang mga gamot na puwedeng kumontra sa C0VID-I9 v1rus at mayroon na ring panawagan para magkaisa upang makagawa ng bakuna laban dito. Gayunpaman, ang mga pagsusuri ay maaaring tumagal pa ng ilang taon upang masiguro ang pagiging epektibo nito.
Kaya naman, sa kasalukuyan, kaniya-kaniya din ang mga pamahalaan mula sa ibat bansa para malabanan ang v1rus na ito sa pamamagitan ng paggamit ng tamang PPE, pagsunod sa physical distancing at iba pang safety protocols. Karaniwan na ang paggamit ng facemask para mapigilan na mahawahan ng C0VID-I9.
Isa namang university mula sa bansang Japan ang nagsusulong ng paggamit ng facemask na gawa sa copper fiber. At gamit ang copper fiber na ito, maaaring "mamatay" ang v1rus.
Tinataya ng pagsusuri sa copper fiber facemask na ito na mapapatay nito ang v1rus sa loob lamang ng apat na oras. Dahil dito, naging kasama ito sa headlines ng balita sa TV.
"According to an NIH (National Insitututes of Health) study, #NovelC0r0nav1rus may survive for 2 to 3 days on plastic but is only active for 4 hours on copper. By enhancing copper’s well-known antimicrobial properties with a photocatalyst, Gunma Univ. spin-off GUDi and copper foil thread maker Meisei Industry have jointly developed a copper fiber sheet which can be used for masks and other daily items,” ito ang naging pahayag ng taga-pagsalita ng Japan sa isang socmed post.
Ayon naman sa Gunma University professor and Gunma University Developmemt and Innovation (GUDi) executive chairman na si Hideyuki Itabashi,
"The material used breaks new ground for preventing mass outbreaks of the v1rus, and we would like to have it out there soon."
Sa ngayon, hindi pa ibinebenta sa merkado ang copper fiber facemask na ito, kasama ang iba pang PPE o items na puwedeng gamitan ng copper fiber. Umaasa naman ang lahat na agarang maging available na ito upang maging proteksyon at panligtas buhay sa mga frontliners.