Sa lahat ng mga problema at krisis na kinakaharap natin ngayon, nakakatuwa lamang makakita ng mga tao na mayroong mabubuting puso na handang tumulong sa kanilang kapwang nangangailangan.
Katulad na lamang ng kabutihang ipinakita ng netizen na si Jaive Joseph Roble sa isang lalaki na kinulang ang pera pambili sana ng gatas ng kaniyang anak.
Kwento ni Roble sa kaniyang Facebook post, pauwi na siya sa kanilang bahay nang mga oras na iyon, ngunit nagulat na lamang siya dahil biglang mayroong lalaki ang lumapit sa kaniya at nanghihingi ng sampung piso.
Saad naman ng lalaki, nais niya sanang ibili ng gatas ang kanyang sanggol na anak, ngunit sa kasamaang palad, kinulang naman ang pera na mayroon siya.
Ayon kay Roble, paulit ulit na kinaklaro ng lalaki sa kaniya na hindi sya isang masang tao at siya ay isang mahirap lamang na nais lamang makapag-uwi ng pagkain sa kaniyang pamilya at gatas para sa kaniyang sanggol na anak.
Naantig naman si Roble sa kwento ng lalaki kaya naman imbis na bigyan niya ito ng pera at iwan na lamang, dinala niya pa ang lalaki sa supermarket upang samahan itong bumili ng pagkain.
Dagdag pa ni Roble, siya ay maaari pang makapagbigay ng mas maraming tulong sa lalaki kaya naman maliban sa gatas para sa sanggol na anak nito, binili din ni Roble ng pagkain ang lalaki at ang asawa nito.
Sa dulo ng kaniyang post, sinabi ni Roble kung gaanong lubs na nagpapasalamat ang lalaki sa kaniya dahil sa kabutihan at tulong na kaniyang ginawa. Ibinahagi din ni Roble kung gaano siya kapalad sa buhay na mayroon siya ngayon at alam niyang tutulungan at hindi siya pababayaan ng Panginoon na makarating kung saan siya nararapat.
Basahin sa ibaba ang kabuuang post ni Roble:
Source: Facebook