Kamakialian lang ay naging usap-usapan nga sa socmed ang isang babaeng chinese na ayaw umalis sa tabi ng isang taong grasa na tila ba ay labis ang kanyang pagkagusto sa lalaki.
Marami naman ang nagulat at nagbigay ng kani-kanilang opinion tungkol sa kumalat na video.
Makikita na kinakausap siya ng isa ring babaeng chinese na sumama na lamang sa rescue team ng Paranaque City ngunit hindi ito nakinig at nakakapit pa ito sa lalaki na taong grasa.
Kahit ano pang hila sa kanya ay talagang ayaw niyang sumama. Siguro labis niya na nagustuhan ang lalaki dahilan na ayaw niyang umalis sa tabi nito.
May isang pagkakataon sa pa sa video kung saan mapapansing hinila ang bag ng Chinese para lang tumayo ito at iwan ang lalaki ngunit nanindigan itong manatili sa pwesto.
Ilang minuto pa ang lumipas ay talagang ayaw ng babae na umalis sa tabi ng lalaki hanggang sa tumayo ang lalaki at nakumbinsi itong sumama sa rescue team. Doon nalamang din tumayo ang babae para sumama na din.
Ganoon nalamang ba ang labis niyang pagkagusto sa taong iyon? Hindi nga naman natin alam kung ano ba talaga ang kanyang rason kung bakit ayaw niyang iwan ang lalaki. Marahil siguro ay mayroon silang kwento, hindi natin alam diba.