Ang pagkakaroon nga naman ng mga kasambahay ay siyang maituturing na mahalagang bahagi ng buhay ng isang tao.
Sila ang naglalan ng tulong kung ano man ang nais natin ipagawa sa kanila. Maasahan kung mayroong aalis sa bahay at siya ring labis na pinagkakatiwalaan.
Gaya nalamanag ng Personal Assistant ng aktor na si Sam Milby, marami ang nagtatanong kung sino ba at ano ang relasyon ng babae na parati niyang kasama kapag siya ay nag uupload ng pictures sa kanyang IG account.
Siya ay si Nene Lemosniro, may isang napaka halagang papel sa buhay ng aktor. Siya lang naman ay tumagal ng 12 taon ng pagiging PA ni Sam.
Marahil alam na ng iba kung ano ang trabaho ng pagiging PA. Halos lahat ng lugar na pupuntahan ni Sam ay siya ang parating kasama nito kaya naman ano mang hirap ang pinagdaanan ng aktor ay sya rin nasaksiha nito mula umpisa magpa hanggang ngayon.
Ilan din sa mga kaibigan na artista ay nakita na ni Nene. Gaya na lamang nina Jericho Rosales, Angel Locsin at marami pang iba.
At kung patungkol nga naman sa buhay pag ibig ni Sam ay open din itong si Nene para magbigay ng advice at kung ano man ang magigigng desisyon ng aktor.
Isa ito sa mga rason kung bakit naging mahalagang parte na ng buhay ng aktor si Nene dahil nga kapag nangangailangan ito ng kausap ay nariyan ang kanyang PA.
Malaki na rin ang naitulong ni Sam sa buhay ng kanyang PA, ito ay ang pagpapasalamat sa kanya dahil nga na sya ay tapat sa kanyang amo.
August 2018 kaarawan ni Nene, matatandaan na nagkaroon ng sweet na mensahe si Sam para sa kanya noonf inupload niya ang litrato na may caption na:
"I got lucky from the start. My assistant over 12 years na, I couldn't ask for someone better. Napaka husay mag alaga. #1 Defender".
Sa isang interview naman ng Magandang Buhay kay Sam sinaad niya kung gaano siya ka bless having her PA.
"Isa sa mga pinaka biggest blessings sa buong buhay ko si Nene. You are someone na habang buhay ikaw ang family ko", I love you, Nene. You've been such a big blessings sa buhay ko talaga. Alam mo yun".