Nanay na binilhan ng cellphone ang anak kahit hikahos magamit lamang sa online learning, umantig sa mga netizens
June 02, 2020
Sa gitna ng C0VID-19 pandemic na kinakaharap natin ngayon, napagpasyahan ng Department of Education (DepEd) na wala munang physical classes na mangyayari, bagkus magsasagawa na lamang ng online classes para sa taong ito. Ngunit, marami naman sa mga magulang ang nababahala dito dahil hindi naman lahat ay mayroong stable internet sa bahay at ang iba naman ay hindi din sapat ang pera upang ibili pa ng gadgets ang kanilang anak.
Naging viral sa social media kamakailan lamang ang isang ina matapos nitong ibili ang kaniyang anak ng cellphone nang sa gayon ay maka-attend ito sa kaniyang online school. Ang magandang pangyayari na ito ay nakuhanan naman ng netizen na si Mico Tan.
Naantig si Tan matapos makita ang kaganapan na ito sa pagitan ng mag-ina. Ito ay kuha niya sa isang mall sa Muntinlupa City.
Saad ni Tan,
"Ready for online class na siya hehehe. A mother's love."
Sinabi ni Tan sa kaniyang post na ang ina ay nagtatrabaho bilang tindera sa isang public market. Kahit pa man wala itong gaanong pera at kinikita, inuna pa din niya na bilhan ng cellphone ang kaniyang anak nang sa gayon ay maka-attend ito sa online school.
Makikita din sa larawan kung gaano kasaya ang mukha ng ina habang pinapanood at tinitignan niya ang anak na masayang masaya na ginagamit ang cellphone.
Marami naman sa ating mga netizens ang naantig sa larawan at sinabi na kakaiba talaga ang pagmamahal na ibinibigay ng isang nanay para sa kanilang mga anak, na handa nilang gawin ang kahit anong bagay mabigay lamang ang lahat ng pangangailangan ng kanilang anak.
Narito ang ilan sa kanilang komento:
"A mother's love and care for her children, cannot be paid neither gold nor silver. I miss my mama so much😭salute to you nanay. Godbless."
"Responsible Mother will do her best to provide the needs...sacrifice a lot for her children...without hesitating or complaining as long as the children are good and responsible too..❤❤❤"
"A mother’s love always endure hardship and give it back with so much love!"
Source: Facebook