Sa Unang Pagkakataon, Philmar Alipayo Isinama Sa Pag-Surfing Ang 10-Month-Old Na Anak Nila Ni Andi

Bilang isang haligi ng tahanan ay tungkulin ng isang ama na palakihin, mahalin at turuan ng magagandang asal ang kanyang anak.

Bukod dito ay kailangan niya ding hasain ang kalakasan ng kanyang anak, lalo na kung ito ay isang lalaki dahil balang araw ay lalaki sya at tatayo sa kanyang sariling mga paa.

Ganito tinuruan ni Philmar ang kanyang anak na lalaki na si Baby Lilo.

Si Philmar Alipayo ay isang kilalang magaling na surfer at nakilala din siya bilang kabiyak at maybahay ni Andi Eigenmann na isang aktres at model.



Base sa video na mapapanood niyo ay makikita na magkasama sa iisang surfing board sila Philmar at ang kanyang anak na si  Baby Lilo.

Habang pumapagaspas ang malalaking alon ay hindi alintana ni baby Lilo ang takot sa halip ay tila nag-eenjoy pa ang bata. Samantala sa Philmar naman ay sobrang maingat sa paghahawak nya kay Lilo.


Sabi nga ng ibang netizens ay mukhang susundan ni Lilo ang yapak ng kanyang ama sa pagiging magaling na surfer.

Ang video na ito ay naging trending sa socmed at madami sa ating mga netizens ang nagreact, natakot at natuwa. May ilan na pinayuhan sila na lagyan daw ng life vest si baby Lilo dahil kahit anong galing ni Philmar sa pagssurf ay hindi pa din magagarantiya ang kaligtasan ng bata dahil sa malalaking alon ng dagat.



Ang kumuha ng video na ito ay si Andi na syang mommy ni Lilo. Naroon ang kaba ni Andi ngunit, mas nanaig sa kanya ang pagiging isang proud mommy dahil sa ipinakitang katapangan ni Lilo kahit wala pa syang kamalay malay na nasa dagat sya at tinatangay tangay ng alon habang nasa surfing board.


Saludo ang madaming parents out there para kila andi at philmar at mayroon ding iba na taliwas sa ginawa nila at natakot para sa safety ni Lilo.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW