Isa si Willie Revillame sa mga naturang sikat na personalidad pagdating sa hosting. Hindi lang sa pagiging host kundi naituring na rin siya na isa sa mga bilyonaryo sa Pilipinas.
Kilala din siya sa pagbibigay ng tulong sa mga taong nangangailangan gaya nalamang ng kanyang ibat ibang show.
Kahit ano mang biyaya ang dumating sa buhay ni Willie ay hindi niya nakakalimutan ang Panginoon upang pasalamatan sa lahat ng biyaya na kanyang natanggap at walang hadlang kung ito ay ipapamahagi niya sa iba.
Tatlo (3) sa malaking network ang kanyang natrabahuan gaya nalamang ng Abs-Cbn,TV5, at ang kanyang bagong show sa GMA na "Wowowin".
Ngunit, marami ang nagtatanong kung may girlfriend nga ba si Willie, maraming issue na rin ang lumalabas na sya ay na lilink daw sa Miss Philippines Earth na si, Silvia Celeste Cortesi.
Ito ay matapos lumabas ang balita na binigyan daw ni Willie si Silvia ng isang smart phone kung saan isa ito sa pasasalamat sa kanya dahil sya ay nag guest sa Wowowin.
Ngunit sabi ng mga fans ni Willie, ito daw ay normal lang dahil binibigyan naman talaga kahit na sinong tao ang mag guest sa show niya.
Maging si Silvia ay nagulat din sa regalong natanggap, ito daw ay ang pagpapakita ni Willie ng paghanga sa kanya. Ngunit habang nasa show ay makikita na mayroong something sa dalawa. Hindi naman ito pinakialaman ng fans at hinayaan nalang ang issue sa dalawa.