Isa nga naman sa pangarap ng marami sa ating ay ang maging artista.Aminin mo at sa hindi ay pumukaw sa iyong isipan kung magkano ang kinkita ng mga artista sa showbiz at kung paano nila napagdadaanan ang araw-araw na lagi silang iniintriga sa kung ano anong bagay.
Kaya naman hindi lahat ng artista ay masaya at mas pinili nila ang magkaroon ng normal na buhay. Narito ang ilan sa kanila na humamon at kumawala sa showbiz matapos piliin na maging masaya kasama ang kanilang mahal sa buhay.
* KRISTINE HERMOSA
Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa magandang artista na ito. Naging kalove team niya si Jericho Rosales sa teleseryeng “Pangako Sayo “ at doon nagsimula ang mabangong pangalan niya sa showbiz. Ngunit, nang mapagpasyahan niya na ikasal kay Oyo Boy Sotto ay pansamantala niyang inihinto ang pag-aartista at naging housewife at tumayong ina sa apat nilang anak.
* NERI NAIG
Sumikat siya sa palabas ng Kapamilya Channel na “ Star Circle Quest “ na kung saan ay nagkaroon siya ng sunod sunod na offer sa nasabing Channel. Umalis na din siya sa showbiz at nais niya ding magconcentrate muna sa kanyang negosyo at pamilya. Mahilig siyang gumawa at magtinda ng home made jams, ice candies at gourmet tuyo in jars.
* ISABEL OLI
Isa si Isabel sa mga hinahangaang babaeng artista dahil sa kanyang ganda. Una siyang nakilala sa commercial ng Max kasama si Papa Piolo at kalaunan ay paunti unting nawala sa showbiz matapos ikasal kay John Pratts na isa ding actor at dancer. Nais niya daw magconcentrate muna sa pag-aalaga ng kanyang pamilya.
* RICA PERALEJO
Napangasawa niya si Joseph Bonifacio na isang pastor at isa na siya ngayong full-time wife at nanay sa kanyang sariling pamilya. Sinimulan niya na din ang pagvvlog na kung saan ay shineshare niya sa mga netizens ang kanyang everyday routine at sinabi niya na nag eenjoy k sa ginagawa niya ngayon.
* DONNA CRUZ
Naging sikat din siyang artista maging ang kanyang mga kapatid na sina Sunshine Cruz, Sheryl Cruz at Geneva Cruz. Tulad ng iba ay namahinga siya sa mundo ng showbiz matapos siyang magpakasal sa isang doktor at ngayon ay masayang naninirahan sa Cebu.
* PRINCESS PUNZALAN
Isa siyang sikat at batikang artista na sumikat sa kanyang pagiging magaling na pag-arte bilang kontrabida. Nagsimula siyang sumikat sa teleseryeng “Mula sa Puso “ at tumigil din muna siya sa pag-aartista dahil pinili niya din maging masaya sa piling ni Jason Field na pangalawa niyang asawa. Isang marketing professional si Field at nakabase sila ngayon sa America.