"TREE OF LOVE" RICHARD GOMEZ AT LUCY TORRES IBINIDA NILA SA PAGDIRIWANG NILA NG IKA-22 TAONG ANIBERSARYO NG KANILANG KASAL


Maikukumpara natin ang salitang "Love" sa isang puno. Ang isang puno ay isang matibay na simbolo ng pag-iibigan ng dalawang tao. Matapos itong alagaan ng madaming taon ay ito ay lalaki ng matibay at matatag at ang magiging resulta nito ay ang pagiging mayabong nito at pagkakaroon ng mga maraming bunga. 
Ngayon ay ipinagdiriwang nila Richard Gomez at Lucy Torres ang kanilang 22nd wedding anniversary na kung saan ay ibinahagi nila ang kanilang "Tree of Love". Oo, literal na puno ang naging simbolo ng pagmamahalan ng dalawa. Dahil nga sa ang puno ay nagrerepresenta sa kanilang matibay na relasyon. 
SI Richard Gomez ay kilala ngayon bilang Mayor ng Ormoc at sumikat din sya bilang isang magaling na aktor sa mundo ng showbiz. Samantalang si Lucy Torres naman ay kilala din sa showbiz at hinahangaan sa kanyang talent na pagsasayaw. Ngayong ipinagdiriwang nila ang kanilang 22nd wedding anniversary ay ikinuwento nila sa mga netizens sa pamamagitan ng instagram account ni Richard Gomez na itinanim talaga nilang dalawa ang puno na nasa mga larawan at iyon ay itinanim nila sa Ormoc. 
Narito ang caption ni Richard sa kanyang IG, "Today , we marked our 22nd anniversary by planting a beautiful Dita tree. It is an evergreen, just like my love for you@lucytgomez. Thank you for being my guiding light."
Sabi din ni Richard ay bukod sa iyon ay simbolo ng kanilang pag-iisa ni Lucy ay malaking tulong din ito sa ating kapaligiran at kalikasan. Samantala, ipinost naman ni Lucy ang larawan ng kanilang kasal noong 1998 at ikinuwento nya din na nagsimula daw sa isang shampoo commercial ang kanilang love story. 

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW