Karamihan sa buhay ng isang tao maituturing na espesyal na araw ang karaawan kaya naman sa pagdating nang panibagong taon maraming biyaya ang siyang pinasasalamatan sa Diyos. Isa na dito ang malusog na katawan, bagong taon na inilaan, at mga taong nakakasama sa pagdaan ng mga araw.
Ngunit sino nga ba ang hindi magpapasalamat na makaka abot sa edad na 101?
Siya ay si lola Felicidad Cabuena, nagdiwang siya ng ika 101 kaarawan. Ngunit nag tanda nalamang si Lola na walang katuwang sa buhay.
Wala din siyang kahit isang anak. Kaya naman, sa edad niya nito ay tanging sarili niya lang ang bumubuhay sa kanya. Hanggang ngayon, si Lola ay nagtratrabaho parin sa bukid, akalain mo nga naman.
"Hindi ko gusto yung naka upo lang ako. Gusto ko mag trabaho, hindi pwedeng hindi ako magtratrabaho", saad pa ni Lola.
Tinanong naman si Lola kung bakit wala syang kabiyak sa buhay,
"Pangit kasi ako kaya walang nagkaka gusto sakin noon. Kapag pangit ka, wala kang asawa. Mahirap ang maging pangit ano" dagdag pa ni lola.
Nag hanap naman ng katulong ang pamangkin ni Lola para siya ay maalagaan. Salamat at kahit papano ay may mabuting puso ang nais na mag alaga sa matanda.
Maraming netizens naman ang naka kuha ng atensyon mula sa kwento ni Lola.
"God bless po Lola. Naway ingatan at alagaan pa kayo ng Diyos. Naalala ko yung lola ko na ako pa ang nag aalaga sa kanya. At maganda ka po lola hindi ka po pangit"
"Sa mata ng Diyos napaka ganda mo po Lola. Huwag mong isipin na pangit ka dahil lahat tayo ay ipinanganak na maganda. Naway gabayan kapa ng Diyos at patuloy na bigyan ng lakas. God bless po lola."