Bakit May mga Tao Na May Ekstrang Maliit Butas sa Tainga ?



Ang isang normal na tao ay karaniwan nang mayroon lang isang butas sa bawat magkabilang tainga. Pero mayroon ding ilang mga tao may ekstra pang maliit na butas sa kanilang tainga. Ano ito?


Gaya ng Dimple o biloy sa pisngi, ang maliit  butas na ito sa tainga ay bunga ng congenital imperfection. Hindi ito laging napapansin at hindi rin naman napakadelikado. Tinatawag ito 'Preaurical Sinus', 'Preaurical Pit', 'Preaurical Cyst' o 'Preaurical Fissure'.


Ayon naman sa Evolutionary Biologist na si Neil Shubin, posible na ang preaurical sinus na ito ay maaaring bunga ng ebolusyon, na nagmula naman sa fish gills. Gayunpaman, ang teoryang ito ay hindi pa naman ibina-validate scientifically.


Ayon naman sa record ng US National Library of Medicine, unang naitala ang preaurical sinus noong 1864. Lumalabas sa pagsusuri na ang ektrang butas na ito ay lumalabas kahit nasa sinapupunan pa ng bata. Ito rin ay naipapamana ng mga magulang sa kanilang mga anak. Kasama na rin ito sa newborn assessment ng mga bagong silang na baby.


Ipinaliwanag naman ng online health resource Medscape na kadalasan nasanunahang bahagi ng tainga ang maliit na butas na ito. Bagaman hindi kadelikado, puwedeng namang ma-infect ang ekstrang butas na ito.


Sinabi naman ng Children's Hospital of Philadelphia na maaaring pagmulan ng benign cyst o impeksyon ang tainga na ito. 


Inirerekumenda naman ng mga doktor na magsagawa ng operasyon kung madalas na maimpekyon ang maliit na butas na ito sa tainga. Puwede rin naman gumamit ng antibiotic depende sa kalagayan. Yamang hindi nman madalas na mangyari ito, karaniwan nang hinahayaan na lamang nila ang maliit na butas na ito. 


Ayon naman sa pag-aaral ng Korean Journal of Audiology, mga taga Asia at Africa ang kadalasan nang mayroon ng ektrang butas sa tainga. Sa buong mundo, halos 5% ang nayroong ganitong butas sa tainga.


Sa UK naman, halos 0.9% lamang ay mayroong preaurical sinus. Sa US naman, halos 0.1% lamang ay naitala na mayroon nito. 


Mayroon ka bang kakilala na may ektrang butas sa tainga? 




Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW