Kilala ang pamilya ng Barretto sa mundo ng showbiz. Bukod sa pagiging isang sikat na personalidad sa industriya ng showbiz ay isa din sa isang maimpluwensyang pamilya ang mga Barretto. Ilan sa mga naging artista na Barretto ay ang mga Barretto Sisters na sila Claudine, Gretchen at Marjorie. Isa na din sa nagpapatrending nila ay ang madalas nilang alitan. Ngunit, good vibes muna tayo ngayon dahil nagpa house visit si Gretchen sa kanyang bahay sa Dasmarinas Village Makati City.
Si Gretchen ay isa din sa mga sumikat na aktres sa Kapamilya Network. Nakilala siya bilang isang magaling na kontrabida sa mga teleserye at mayroon din syang mga commercial endorsements. Una siyang nakilala sa kauna unahang Regal Babies na kung saan ay nakasama niya si Janice De Belen na isa din noong Child Actress noong taong 1984 hanggang 1987.
Ipinanganak si Gretchen noong March 06, 1970 at nagkaroon siya ng isang anak na si Dominique Cojuangco sa asawa na si Tony Boy Cojuangco Jr. Ang pamilyang Cojuangco ay isa sa mga sikat at maimpluwensyang pamilya pagdating sa larangan ng pagnenegosyo.
Kaya naman hindi nakapagtataka na magkaroon ng isang malamansyong bahay si Gretchen. Matapos ang pa dinner ni Gretchen sa kanyang mga malalapit na kaibigan kasama na si Mommy Inday na nanay niya at ang kanyang kapatid na si Claudine.
Mapa exterior at mapa interior ng bahay ay mapapawow ka talaga. Sa luwag ng espasyo ng kanyang bahay ay makikita sa video na todo rampa si Gretchen suot ang kanyang magandang damit.
Agaw eksena din ang interior design ng kanyang bahay dahil isang modern type ito na disenyo at masasabi nating sopistikada din ang datingan nito na parang nahahawig din sa awra ng may-ari na si Gretchen.
Agaw pansin din ang malaking swimming pool nila Gretchen isama mo na ang mga kumpletong mamahaling gamit na mas lalo pang nagpaganda ng kanilang tahanan.