Kilalanin Si 'Jane Ordinaryo' Sa Totoong Buhay


Kamakailan lamang, pinakita ni Hasmine Killip ang kaniyang talento pagdating sa pag-arte nang siya ay gumanap bilang 'Jane' sa indie film na "Pamilya Ordinaryo" kung saan siya ay tinanghal bilang Best Actress ng Urian Awards dahil sa galing ng pag-arte na kaniyang ipinakita sa naturang pelikula.


Ngunit, kahit pa man nanalo na si Hasmine ng ilang mga international at local awards para sa pelikula, inamin niya na hindi niya pa din inaasahan na siya ay mananalo.


“I am indeed happy to be included as one of the nominees for the acting award and it is a great privilege to be (nominated) alongside those I have truly admired,” ani ng aktres.



Noong mga panahong iyon, walang kaalam-alam si Hasmine na napanalunan niya na pala ang award dahil siya ay abala sa kaniyang anak. Nalaman na lamang niya ito nang tumawag sa kaniya ang kaniyang kaibigan.


“A friend told me that I just won the award and I told her ‘Crazy! I did not win and maybe you misread it, but I am a nominee.’ But she told me to check my socmed account, so I checked it and I was really surprised.”



Ibinahagi din ni Hasmine kung paano niya nakuha ang role sa pelikula.


“Director Carlo Manatad called me up at 11 p.m. to audition (for the role) and I told him I didn’t have any money. At that time, I just finished playing bingo where I lost.”


Ang direktor naman ang sumagot sa kaniyang pamasahe makapunta lamang siya sa audition. Mabuti na lamang at nakaabot din siya. Kahit pa man siya ang pinakahuling nag-audition, napagtagumpayan pa din ni Hasmine makuha ang role.



“Since director Carlo Manatad had trust in my acting, I tried my best not to fail him. The title of the film Pamilya Ordinaryo is intended for me. I felt the excitement, especially that of the story. I promised myself that I would give my very best to the film because it had a good story. If you watch Pamilya Ordinaryo, you will feel the tension and romantic excitement. And it teaches lessons, especially geared for teenagers... I am hoping they will continue supporting Filipino-made films. I am also hoping that young people will gain insight from our movie to be able to trek the right path in life.”


Ayon kay Hasmine, bago pa man siya gumanap sa Pamilya Ordinaryo, siya ay gumaap na sa pelikula na "Junilyn" kung saan ito ay gawa din ni Manatad.




“The story is about a dancer in a nightclub. Junilyn has to learn new moves to attract more customers during the Pope’s visit to the Philippines. But while she rehearses, she is also preparing to free herself.”


Hasmine Killip o Hasmine Bulang Formalejo sa totoong buhay ay lumaki sa Sagrada Pamilya Don Basco sa Paranaque City, ngunit ang kaniyang ina ay nagmula sa Malolos, Bulacan. Siya ay nakapagtapos ng high school sa Jesu Mariae International School sa Paranaque City at nag-aral ng kolehiyo sa Taguig City University kung saan kinuha niya ang kurso na Bachelor of Science in Office Administration.



Dating nagtrabaho si Hasmine bilang seller support sa Amazon.com Inc, isang American electronic commerce and cloud computing company at isa din sa pinakamalaking Internet-based retailer sa buong mundo.


Si Hasmine ay naninirahan na ngayon sa United Kingdom matapos niyang magpakasal kay Anthony Killip, isang business consultant na nag-aral ng biological sciences sa University oof North London, kasama ang kanilang anak.




Ayon kay Hasmine, nais na niyang makabisita sa Pilipinas dahil namimiss na niya ang kaniyang mga kaibigan, pamilya, at kamag-anak sa bansa.



Ibinahagi din ni Hasmine na siya ay natutong magluto nang sila ay nanirahan na sa London,


“I really learned how to cook in the UK for I need to survive here. I don’t like their food which is either rare or medium-rare. I don’t like mashed potatoes, salad with vegetables. I am not a vegetarian.”

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW