Kilalang kilala ang pamilya Guttierez sa mundo ng showbiz. Mula sa pamilyang ito nagmula ang batikang aktor na si Eddie Guttierrez at asawa niyang si Annabelle Rama. Nariyan na rin ang sikat nilang mga anak na sina Raymond, Richard at Ruffa. Marinig pa lang natin ang kanilang mga pnagalan ay mapapa-star struck ka na talaga.
Pero hindi ka lang mapapahanga sa impluwensiya ng kanilang pamilya sa larangan ng showbiz kundi pati na rin sa kanilang Mansion na pagkaganda-ganda ng pagkakadisenyo. Sa artikulong ito, masisilip natin ang ilang mga detalye sa loob ng Mansion ng mga Guttierrez.
Taong 1987 ng mabili ng mag-asawang Eddie Guttierrez at Annabelle Rama ang isang Family House sa White Olains, Quezon City. May lawak itong 660sqm. Dekada 2000s naman ng simulan ng mag-asawa na irenovate ang nasabing Family House sa tulong ng interior designer na si Jeizele Delos Reyes-Go.
Ayon kay Go, halos lahat sa bahay ay ipinabago ng mag-asawa maliban na lamang sa ceiling at pundasyon ng bahay. Ginawa naman nilang simple, malinis at minimalist ang tema ng design ng bahay.
Makikita ang tema ng kanilang Mansion sa mismong entrada pa lamang, "Simple, linear, very clean, minimalist, unobtrusive".
Siniguro din naman ni Annabelle, na bawat hagdanan sa kanilang mansion ay sumusunod na sa Spanish Concept na "Oro, Plata, Mata". Dito, ang bawat bilang sa baitang ay "Oro (Gold)", "Plata (Silver)" at "Mata (Death)". Ang huling hakbang naman ay dapat na tumapat sa "Oro".
Sa First floor Living Area, makikita ang isang puting mesa na tinatawag na Total Flightcase. Mula pa ito sa Moroso Company.
Makikita sa isa pang bahagi ng Salas ay ang koleksyon ni Annabelle mga figurines at glasswares na Murano, Lladro, at Lalique. Ang mga ito ay gawa ng sikat na mga designers sa Italy, Spain at France.
Kita rin naman ang naglalakihang mga bintanang salamin ng Mansion. Marami ring mga halaman sa paligid at may pond at artificial waterfall sa view. Moderno naman ang mga muwebles dito na karamihan ay gawa sa glass, leather at metal.
Sa Dining Area naman, kapansin pansin ang kanilang 8-seater Dining table, modular cabinet, integrated sub-zero refrigerator, Wine Cooler at ang unique na chandelier.
Highlights naman sa Mansion ng mismong Master Bedroom na mala-Department store dahil sa maayos na pagkakasalansan ng mga bag at sapatos na kolesyon ng mag-asawa. Ilan naman sa mga ito ay regalo nina Dra. Vicki Belo at Ylmaz Bektas. Mayroon ding cowhide rug sa sahig na nabili naman ni Ruffa sa Brazil.
Mayroon din naman sariling Bar sa loob ng Mansion. Naroon ang shelves na puno ng wines at whiskey, gayundin ng mga wine buckets. Nakadagdag ganda naman ang mga paintings nina Tam Austria at Arturo Luz
Sa second floor naman ng Mansion makikita ang pangalawang Salas na nakukulayan ng puti at binagayan ng dark color na mga muwebles. Mayroon ding sectional sofa at 72 inch flat TV na napapaligiran ng magagarang dekorasyon na mula muli sa Murano at Lladro. Makikita rin ang mga rattan chairs mula sa Kenneth Cobonpue.
Bagaman sari-sarili na ring tahanan, mayroon pa ring kuwarto ang magkakapatid na sina Richard, Raymind at Ruffa sa Mansion. May sariling kuwarto din ang anak ni Ruffa na sina Lorin at Venice.
Ang Terrace naman ay inspired sa isla ng Bali, Indonesia. Sa labas naman makikita ang swimming pool na mayroon din namang mga disenyo na mula pa sa Italy.
Talaga naman na mapapahanga ka sa napakagandang Mansion ng mga Guttierez.