Motorista, Nawindang Sa Halaga Ng Bike Na Kanyang Nabangga


Sa socmed post ng isang motorista na si Rome Vlad Salentes Jacala, ipinahayag niya ang kaniyang pagkagulat nang malaman niya ang halaga ng bisikleta na kaniyang nabangga.


Ayon sa kanya, ang bisikleta umano na nabangga niya ang may brand na Cicli Corsa kung saan ito ay nagkakahalaga ng tinatayang Php458,000.


Sa larawan na kaakibat ng post, makikita dito na naputol ang top tube ng bisikleta na nagkakahalaga din ito ng ilang libong piso kapag ito ay ipapagawa.




Samantala, sa magkaibang post naman ni Chad Rosales, sinabi niya ang kaniyang 71-anyos na ama ay isang “seasoned cyclist, a Tour of Luzon survivor, with decades of cycling experience."


Isang part-time janitor sa isang unibersidad at criminology student ang nakabangga sa kaniyang ama.




Saad naman ni Rosales, hindi na sila nagdampa ng kaso laban dito dahil alam nila na wala itong pang-piyansa kung sakali na ito ay makukulong. Ayaw din ng pamilya ni Rosales na mahinto ang motorista sa pagtatrabaho at pag-aaral.


“If he couldn't post bail, he would be detained indefinitely, dropped from his classes, and terminated from work for AWOL. This means that on top of his civil/crimina1 liabilities, he would lose his opportunity to get his life together, finish school, and be a responsible citizen. We couldn't allow it to happen.”




Sinabi din ni Rodales na tinanggap na nila ang alok ng motorista na bayaran ang mga damages sa insidenteng nangyari dahil sa ngayon, ang mas mahalaga sa kanila ay ang kaligtasan at mabilis na paggaling ng kaniyang ama.


Basahin ang kabuuang post sa ibaba:


Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW