Pinoy Barista Na Ipinahiya Ng Customer Na Di Niya Pinagsilbihan Dahil Walang Face Mask, Nakatanggap Ng Halos P5 Milyon Tip


Kamakailan lamang, naging usap-usapan sa socmed ang isang Pinoy OFW na si Lenin Gutierrez na nagtatrabaho bilang barista sa isang branch ng Starbucks sa San Diego, California.


Ito ay matapos niyang tanggihan na pagsilbihan ang babaeng customer na si Amber Lynn Gilles dahil sa hindi nito pagsuot ng face mask. Dahil sa ginawang ito ni Lenin, sita ay nakatanggap ng tip na tinatayang $100,000 o katumbas ng Php4.9 milyon.


Sa galit ni Amber, kinuhanan niya ng larawan ang barista at ito ay ipinost niya sa kaniyang socmed account noong Lunes, June 22.



Saad ni Amber sa kaniyang post,


“Meet lenen from Starbucks who refused to serve me cause I’m not wearing a mask. Next time I will wait for cops and bring a medical exemption.”



Sa ngayon, hinahayaan na ang mga residente sa California na makalabas sa kani-kanilang bahay, ngunit kailangan pa din nilang magsuot ng face mask sa tuwing sila ay papasok sa mga stores, shops, malls, at ibang establisyemento.


Samantala, umani naman ng batikos si Gilles mula sa mga netizens at sinabi na wala namang mali sa ginawa ng barista dahil ito ay sumusunod lamang sa patakaran.

 


Ang post naman na ito ay nakarating sa isang Matt Cowann na nag set up ng isang pahina sa GoFundMe (Tips for Lenin Standing Up To A San Diego Karen) upang makaipon ng pera na ibibigay sa barista na si Lenin bilang parangal sa pagiging isang mabuting empleyado nito.


Noong una, nais lanang ni Cowan na makalikom ng $1,000 o katumbas ng Php49,900 para kay Lenin, ngunit nagulat na lamang siya sa biglang pagdagsa ng mga tao sa pagbibigay ng tip. Dahil dito, nakalikom si Cowan ng $10,000 o Php499,800 noong Miyerkules, Hunyo 24.


Kaagad naman nagpunta si Cowan kay Gutierrez upang personal na ibigay ang perang nalikom sa kaniya.



Nag-upload naman si Gutierrez ng isang video sa kaniyang Facebook page upang ipahayag ang kaniyang pasasalamat sa mga donasyon na kaniyang natanggap.


“It’s so shocking to see something get so big that only happened within a few minutes.”


Samantala, nagbigay din si Gutierrez ng paliwanag tungkol sa nangyari. Ani Gutierrez, ipapakita na sana niya ang isang papel na nagsasaad na required magsuot ng mask ang mga customers noong sabihin ni Gilles sa kaniya na hindi na niya kailangan pang magsuot ng face mask.



Ngunit, bago pa man maipaliwanag ni Gutierrez ang patakaran, nakatanggap na kaagad siya ng mura mula kay Gilles at inulit ulit pa sa kaniya na hindi na niya kailangan pang magsuot ng face mask.


Umalis naman kaagad si Gilles matapos ang pangyayari, ngunit makalipas ang ilang minuto ay bumalik ito upang kuhanan siya ng litrato at tanungin ang kaniyang pangalan.


Saad ni Gutierrez, “I thought that was going to be the end of it. I didn’t know it was going to come to this.”


Nabanggit din ni Gutierrez na siya ay dating dance teacher ng mga bata bago ang C0VID-19 pandemic. Ani Gutierrez, nais niyang gamitin ang pera na natanggap para makapag focus sa pagsasayaw.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW