Amerikanong Vlogger, Pinagawan Ng Bahay Ang Pamilya Na Kumupkop Sa Kaniya Bilang Pasasalamat Sa Kabutihan Ng Mga Ito


Umani ng papuri kamakailan lamang ang isang Amerikano na pinagawan ng bahay ang pamilyang kumupkop sa kaniya nang siya ay ma-stranded sa Cebu buhat nang nag-lockdown. Ito ay bilang pasasalamat ng Amerikano sa kanila.

Ayon sa Amerikanong vlogger na si Dustin Borglin, unang tapak niya pa lang sa Cebu taong 2016 ay nagandahan na talaga siya sa lugar at nagustuhan ang kabaitan na ipinakita ng mga tao dahil naramdaman niya na siya ay welcome na welcome sa lugar. Dahil dito, naisip niyang bumalik sa bansa ngunit sa kaniyang sa pagbabalik ay na-stranded naman siya sa Cebu dahil sa pand3mya.

Si Dustin ay mula sa Michigan, USA. Siya ay bumalik sa Cebu noong Marso ngunit siya ay naabutan ng lockdown. Sa halip na malungkot, naging masaya pa ang vlogger dahil sa pagkakaroon ng simpleng pamumuhay sa lugar at tumutulong din siya sa mga nangangailangan.

Dahil na-stranded sa lugar, nakituloy muna si Dustin sa bahay nina Raymund at Reche Adoptante na kaniyang nakilala noong una niyang punta sa lalawigan.

Dito naransan ni Dustin na mamuhay ng simple at maging masaya at kontento sa kung anong pagkain at ihahain sa kaniya. Sa katunayan nga nyan, minsan ay siya na ang nagluluto at kumukuha o namimili ng kaniyang iluluto.

Nang makita ang dinadanas na hirap ng ilang mga taga-Cebu ngayong may pand3mya dahil halos lahat sila ay walang mapagkakitaan, naisip niyang libutin ang probinsya gamit ang motorsiklo para mamigay ng ayuda at pera na mula sa kinikita niya sa vlog.

Nagpatayo pa nga si Dustin ng isang palikuran o CR sa kanayunan sa Toledo City. Aniya ay iyon na ang maagang pamasko niya sa mga tao doon.

Maliban pa diyan, pinagawan niya din ng bahay ang mga kaibigan na kumupkop sa kaniya bilang pasasalamat sa kabutihan na ipinakita ng mga ito sa kaniya.

Ani Dustin,

"They're like my family. I've known them for almost three years now, and they've just been so kind to me."

Dagdag niya,

"It doesn't matter how much money you have. It doesn't buy happiness. They might not have a lot but everyone here is very, very happy."

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW