Basurero, Isinauli Ang Plastic Na Napulot Na Naglalaman Ng Kalahating Milyon Sa May-ari Nito


Sa kabila ng krisis at mga pagsubok na kinakaharap ng karamihan sa atin ngayon, nakakatuwa pa din isipin na may mga taong pa ding handang magpakita ng kabutihan at katapatan sa kanilang kapwa. Hindi sila kailanman natutukso sa pera kahit gaano pa man ito kalaki. Sa halip ay isusurrender nila ito sa kinauukulan nang matulungan sila na maibalik ito sa tamang nagmamay-ari.

Katulad na lamang ng isang basurero na si Emmanuel Romano na naninirahan sa Baliwag, Bulacan. Siya ay nagtatrabaho bilang isang garbage collector at alam naman natin na maliit lamang ang kinikita nila at pnagkakasya lamang niya ito sa pangangailangan ng kaniyang pamilya sa araw araw.

Habang nangongolekta ng basura, hindi inaasahan ni Emmanuel na siya ay makakapulot ng isang plastic na naglalaman ng maraming pera na may halagang halos kalahating milyon.

Aniya,

"Kinabahan po ako, nakita ko po yung pera, tinabi ko po muna sa gilid. Di ko po muna pinakita sa mga kasamahan ko."

Sa kabila ng pangangailangan dahil ang kaniyang anak na sanggol ay may sak!t at kailangan din nilang ipagawa ang bahay, hindi pa din sumagi sa isip ni Emmanuel na pag-interesan o ibulsa ang pera na hindi naman galing sa dugo at pawis niya.

Bagkus ang kanyang kabutihan at katapatan ang nangibabaw. Dali dali siyang pumunta sa barangay at isauli doon ang pera na kaniyang napulot. Nagkataon naman na noong mga panahon din na iyon ay may nagreport tungkol sa nawawalang pera.

Tuwang tuwa ang may-ari ng pera na isauli ito ni Emmanuel sa kaniya. Paliwanag ng may-ari, ang pera ay napunta sa basurahan dahil napagsaraduhan sila ng bangko at naisipan na ilagay na lamang ito sa supot. Ngunit, akala naman ng mister niya na isa lamang itong basura kaya naman itinapon niya ito sa basurahan.

Laking pasasalamat naman ng may-ari kay Emmanuel sa pagsasauli ng kaniyang pera. Bilang gantimpala sa katapatan at kabutihan nito, binigyan niya si Emmanuel ng tulong pinansyal at nangako na bibigyan pa ito ng bang tulong.

Si Emmanuel din ay kinilala sa kanilang lokal na pamahalaan at ginawang regular sa kaniyang trabaho. Ang kanilang sanggol din ay napatingin sa isang doctor.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW