Coleen Garcia At Billy Crawford, Ipinasilip Ang Actual Video Ng Pag-aalaga Nila Kay Baby Amari


Nakakatuwang video ang siyang ibinahagi ngayon ng mag-asawang na sina Billy Crawford at Coleen Garcia sa publiko. Makikitang sobrang hands-on ang daddy Billy sa kanyang anak at napaka-alagang mommy naman si Coleen.

Ayon rin sa report ay patuloy pa din nag-aadjust si Coleen Garcia sa kanyang bagong role bilang isang ina. Ngunit kahit first time mom siya ay pinahanga niya agad ang kanyang asawa at kapamilya dahil sa dedikasyon nito na alagaan si Baby Amari kahit alam naman natin na nagrerecover pa siya sa kaniyang panganganak.

Malusog at napakacute na baby boy ang siyang isinilang ni Coleen noong nakaraan at kitang kita naman sa video na ito na talagang nakakawala nang pagod ang sobrang cute baby nila na ito.


Kitang-kita din na kamukhang-kamukha ni Coleen ang kaniyang panganay na anak at halos wala daw nakuha sa ama nito na si Billy Crawford. Ngunit ayon sa kanilang mga kaibigan at kapamilya ay new born face pa lamang niya ito at magbabago pa ito habang siya ay lumalaki. 

Ito naman ang naging pahayag ni Billy Crawford,

"Can't be more in love! Coleen love we made that! Hehe..Too bad he looks nothing like me at least he looks like you, I'm good! My Queen and my Prince! These past few days have been the biggest life changing experience I've ever had in my entire life! First of all I can't thank God enough for blessing me with my AMAZING wife. I will do anything for you my love. I'm so thankful for what you've done and sacrificed and continue to recover from. You are my Queen but I will always remember that God comes first and you're next! Amari is beautiful gift we got from God. I love both of you so so much"

"Words can't express what I'm feeling right now. Let me just say, thank You Father Good for you have given us an angel! Also, bow and salute to you my strong, fearless, gorgeous, and loving wife! I have nothing but respect and gratitude for you! I am SO PROUD to be your husband and equaally proud to be the father of our beautiful angel Amari! I'm proud of YUO! I LOVE YOU MY 2 LIL EVERYTHINGS."

Ayon sa report, ay may umaalalay naman kay Coleen Garcia sa recovery nito galing sa panganganak ngunit mas gusto daw nito na siya mismo ang mag-alaga sa kanyang first born child kaya naman hindi pa sila kumukuha ng yaya para kay baby Amari. 


Isa na din si Coleen sa mga dedicated breastfeeding mom ngayon dahil naniniwala raw siya na mas magiging malusog ang kanyang anak kapag derektang gatas niya ang nakukuha nito.

Hindi naman daw nagmamadali si Coleen na bumalik kaagad ang dati niyang katawan tulad ng mga karaniwang ginagawa ng ibang mga artista pagkatapos manganak na nagpapas3xy kaagad. Ayon sa kanya ay talagang magfofocus daw muna siya kay baby Amari at sisiguraduhin niya na maibibigay niya bilang ina ang nutrisyon na kinakailangan ng kanyang anak habang lumalakiito.

Sa ngayon ay magana naman daw uminom ng gatas si baby Amari at hindi iyakin na bata ayon sa balitang nakalap. Siguro ay nafeel niya talaga ang hirap ng kanyang ina noong inilabas siya kaya ngayon ay sobrang behave daw nito. Nakakapag-adjust daw unti-unti ang mag-asawa sa puyatan stage na ito sa kanilang journey bilang magulang at napaka-worth it nga daw ng bawat sandali na ito para sa kanila.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW