Dimples Romana, Ipinasilip Ana kaniyang Condo Unit Na Bunga Ng Kaniyang Pag-arte Sa Kadenang Ginto


Si Dimples Romana o Dianne Marie Romana Ahmee sa totoong buhay ay isa sa mga sikat na actress sa bansa. Ang kaniyang kauna-unahang TV appearance ay nang siya ay gumanap sa Esperanza noong 1997. Matapos nito, siya ay naging isa sa mga stars ng ABS-CBN series na "Tabing Ilog" noong 1999.

Dahil sa galing sa pag-arte, nanalo si Dimples bilang Best Actress for a supporting role mula sa Asian Academy Creative Awards (AACA) para sa kaniyang role bilang Daniel Mondragon sa palabas na "Kadenang Ginto."

Sa dami ng naging proyekto, endorsements, at pelikula ni Dimples, hindi na nakakapagtaka na siya ay nakapag-ipon at nakabili ng ilang ari-arian sa bansa.



Kamakailan lamang nga ay nagkaroon ng virtual tour si Dimples sa kaniyang condo unit. Ang kinita niya mula sa "Kadenang Ginto" ang ginamit ni Dimples para mabili ang nasabing condo.

Sa video na in-upload niya sa kaniyang YouTube channel noong Setyembre 2, makikita na naghahanda na din ang sikat na actress sa paglipat sa kaniyang bagong condo. Inilarawan niya ang dalawang-palapag na condo unit bilang "new milestone" ng kaniyang buhay.



Sinabi din ni Dimples sa description ng kaniyang video na sana ay makapagbigay ng inspirasyon sa marami ang kaniyang vlog.

"hi guys!!! so just trying this out since I've been getting A LOT of requests from you ng house tour! Condo Tour muna bago sa bahay haha. Sana with this video ma-inspire kayo!"



Ayon sa actress, isa sa mga nagustuhan niya sa condo unit ay ito ay "enveloped in windows". Sinabi niya na matatanaw dito ang ganda ng Makati skyline.

Sa ngayon, inuumpisahan na ni Dimples na maglagay ng mga kagamitan sa kanilang bagong bahay. Una na niyang sinabi na ang condo unit ay produkto ng kaniyang pagsisikap sa mga proyekto niya katulad ng "Kadenang Ginto" at "Bagani".

Aniya,

“Nu’ng nakita ko ‘to, sabi ko ‘Lord, pagbigyan mo ako na ‘yung mga trinabaho ko ngayon, dito mapunta’. Nu’ng binili naming ‘to, it was during Kadenang Ginto kaya napakalaki talaga ng utang na loob ko sa Dreamscape and my ABS-CBN family kasi itong property na ‘to nabili because of Dani Girl.”


Ang virtual condo tour naman ni Dimples ay umani ng mga positibong komento mula sa mga netizens.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW