Driver Na Isinauli Ang Bag Ng Isang Foreigner Na Naglalaman Ng P2-M, Umani Ng Papuri Sa Mga Netizens


Sa krisis at dami ng problema na kinakaharap natin ngayon bunsod ng pand3mya, nakakatuwa pa ding isipin na mayroong mga taong nagpapakita ng kabutihan at katapatan sa kanilang kapwa. Ang ganitong uri ng tao ay talaga nga namang kahanga-hanga at magandang ehemplo sa mga tao. Sila ang mga taong hindi basta natutukso sa salapi sa kabila ng kahirapan.

Sa Facebook, ibinahagi ng mayor ng Sogod, Southern Leyte ang kwento ng isang Pilipinong motor cab driver na ito na talaga namang hinangaan ng maraming netizens dahil sa ipinakita niyang kabutihan.

Ang istorya ng kabutihan ng motor cab driver ay umani ng papuri mula sa mga netizens at ang ilan pa nga ay sinasabi na isa siyang mabuting ehemplo sa bawat Pilipino.

Ang driver ay kinilala bilang si Dennis Geverola. Isinauli niya sa may-ari ang bag na naglalaman ng P2-M. Ang nasabing bag ay naiwan sa kaniyang motor cab at nalaman niya din na isang foreigner ang nagmamay-ari nito.

Sa Facebook account ng mayor ay masaya niyang ibinahagi ang katapatan ng mabuting driver na nagsauli ng bag sa lalaki.

Saad sa caption ng post:

"On behalf of the Municipality of Sogod, I would like to comment the motorcab driver, Mr. Dennis Geverola for returning the bag that was left in his vehicle. The bag contained 2 million pesos in cash and other important documents. May God bless you!"

Marami ang nagulat nanag malaman nila na ganoon kalaking halaga ng pera ang laman ng bag. Sa kabila ng pangangailangan, hindi nagdalawang isip si Dennis na isurender ito sa kinauukulan upang maibalik sa nagmamay-ari.

Narito ang ilang komento mula sa mga netizens:

 "Sir saludo ako sayo. Mabibilang lang ang kagaya mo dito sa mundo. Karamihan dito ay magnanakaw at gahaman sa pera. God Bless You!"

 "Saludo po ako sayo sir sa kabutihan mo. Godbless po and more blessings!"

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW