Estudyante, Nagtitinda Ng Chicharon At Balot Para Matustusan Ang Pag-aaral, Hinangaan Ng Netizens


Hindi lahat ng bata ay nabibigyan ng pagkakataon na makapag-aral. Ang iba ay kailangan ng magtrabaho at mag-doble kayod kahit sa murang edad pa lamang dahil sa hirap ng buhay para lamang sila ay may pang suporta sa kanilang pag-aaral at makatulong na din sa pang araw-araw na gastusin sa bahay.

Ngunit, ang mas nakakahanga ay kung sino pa talaga ang salat sa buhay at naghihikahos sila pa ang mas nagsusumikap at mas detereminado na makapagtapos ng pag-aaral. Kailanman, hindi naging hadlang ang estado ng kanilang buhay para makapagtapos ng kolehiyo.

Maraming netizens ang humanga sa estudyante na ito dahil sa kaniyang pagsusumikap at kasipagan sa pagtitinda ng chicharon at balot habang siya ay naka-uniporme pa na pang-eskwela para lamang masuportahan ang kaniyang pag-aaral.


Sa post na ibinahagi ng netizen na si Maria Michelle Awing-tauli, ang binatilyo ay nakilala bilang si Jonel Tejedo, isang BS Hospitality Management student sa University of Cordillera sa Baguio City. Si Jonel ay galing sa isang mahirap na pamilya. Ngunit, kahit ganoon pa man, hindi siya nawalan ng pag-asa bagkus ay ginawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya para lamang makapagtapos siya ng pag-aaral nang sa gayon ay magkaroon ng magandang buhay.

Nagsimulang magbeta ng kung ano-ano si Jonel noong siya ay high school pa lamang. Nagbebenta siya ng chicharon, balot, at iba pang mga bagay para lamang matustusan ang kaniyang pangangailangan sa eskwela.

Matapos makapagtapos ng high school, pinagpatuloy pa din ni Jonel ang pagbebenta ng pagkain nang sa gayon ay makapagtapos naman siya sa kolehiyo. Makalipas ang ilang buwan, nakahanap si Jonel ng mga netizens na makakapagbigay tulong sa kaniya sa pagbili niya ng uniporme.

Saad ni Maria sa caption,

"Was so speechless when I saw him coming down the stairs. I really admire him. Despite his condition he manage to sacrifice and earn by doing this. May the young generation imitate his perseverance. He came from school and need to roam around to sell balot, pugo, and chicharon. The road may be long and bumpy but success is still at the end of the line."

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW