Marami sa ating mga kababayan ngayon ang labis na naapektuhan ng pand3mya. Marami ang nawalan ng trabaho at hanapbuhay kaya naman wala na din mapagkunan ng pera ang mga magulang para maipagpatuloy pa ang pag-aaral ng kanilang mga anak, lalo na sa panahon natin ngayon na kailangan ang gadget at internet connection para sa blended learning.
Kaya naman ang ilang mga estudyante ay gumagawa at nag-iisip ng ibang paraan para sa gayon ay masuportahan pa din ang kanilang pag-aaral sa kabila ng pand3mya.
Katulad na lamang ng incoming grade 12 student na si Rey Pahimnayan na umisip ng paraan para maipagpatuloy pa din ang pag-aaral sa gitna ng pand3mya na ating kinakaharap ngayon.
Si Rey ay isa sa mga tinatawag na "self-supporting students." Ibig sabihin siya ang nagpapaaral sa kaniyang sarili sa pamamagitan ng paggawa ng iba't ibang paraan para kumita ng pera sa marangal at legal na paraan.
Ngayon na mayroong pand3myc, hindi pa din tumigil si Rey sa pagsuporta sa kaniyang pag-aaral. Siya ay nagtitinda ngayon sa labas ng fast food store sa Quezon City ng iba't ibang uri ng pagkain para may pang suporta sa kaniyang pag-aaral.
Ayon kay Rey, naisip niya na magtinda ng samu't saring pagkain para may pambili naman siya ng pagkain sa araw-araw at makapag-ipon na din pamilya ng gadget na kaniyang kailangan sa darating na pasukan.
Siya ay nasa gilid ng kalsada at nag-aalok sa mga taong nagdadaan. Siya ay nakasuot ng face mask at face shield at hawak hawak ang mga paninda kasama na din ang karatula na may nakasulat na:
"Good day! Ma'am/Sir, I'm Rey self supporting student. Please buy my special products to support my online class and daily needs. Thank you po and God bless you."
Marmai naman sa ating mga netizens ang humanga sa kasipagan at determinasyon ni Rey. Siya ay kabilang lamang sa maraming estudyante na nagsisikap gumawa ng paraan upang maka-ipon ng pera para sa kanilang pag-aaral.
Sana ay sa pagbabahagi ng netizen na si Bernadette Reyes ng iyong kwento sa social media ay makatanggap ka ng tulong mula sa mga butihing netizens para sa iyong pag-aaral.
Saludo kami sa iyo, Rey!