Frontliners Namataang Nagpapahinga Sa Damuhan Dahil Sa Buong Araw Na Pagtatrabaho


Nadurog ang puso ng maraming netizen matapos makita ang viral na larawan ng isang grupo ng medical front-liner sa Sagay City, Negros Occidental na namamahinga na lamang sa damuhan, ala-una ng madaling araw noong Sabado, Setyembre 5.

Makikita sa larawan na ibinahagi ng netizen na si Jack F. Gallardo na tila pagod na pagod ang mga nasabing miyembro ng resuce team. Tila naisip na lamang nilang humiga sa damuhan para makapagpahinga habang suot suot pa ang kanilang personal protective equipment (PPE.).

Ayon kay Jack, ang mga masisipag at magigiting na front-liner ay nagtrabaho buong araw at sila ang umaalalay sa mga susp3cted at C0VID-19 na pasyente sa kanilang lugar sa Sagay. Maliban sa trabahong ito, sila din ang rumiresponde sa marami pang mga emergency cases.



Ipinahayag din ni Jack ang kaniyang paghanga sa ating magiging na mga front-liner dahil kahit nahihirapan na sila at sinasakripisyo ang kanilang buhay mailigtas lamang ang buhay ng ibang tao ay hindi pa din sila nagrereklamo. Bagkus, patuloy lamang sila sa pagbibigay serbisyo sa mga kababayan na lubos na nangangailangan ng tulong nila ngayon.

Ani Jack sa kaniyang Facebook post,

"We can never pay kindness with money."

Dagdag niya,

“I’m so proud of them. Since day 1 wala akong narinig na hinanakit o reklamo sa kanila. Naniniwala kasi ang tropa na we are all heroes in our little way of helping our community.”

Ang larawan ay sinasabi na kuha noong ala-una ng madaling araw noong Sabado, Setyembre 5, 2020.


Hiniling din niya sa publiko na isama sa kanilang panalangin ang ating mga front-liners na ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya at sinasakripisyo ang sariling buhay maiwasan lamang ang pagkalat pa ng C0VID-19 sa bansa.

Samantala, marami namang netizens ang nadurog ang puso matapos makita ang larawan ng mga front-liners. Pinuri din nila ang mga ito dahil sa kanilang sipag at tiyaga.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW