Ivana Alawi, Tinanggap At Kinompleto Na Ang Huling Hamon Ni Lloyd Cadena Para Sa Kanya


Nitong Linggo lamang ng gabi, inilabas ng actress-vlogger na si Ivana Alawi ang pinakabagong video sa kaniyang YouTube channel na alay niya para sa yuma0ng sikat na vlogger na si Lloyd Cafe Cadena.

Kasunod ng kaniyang bagong video, nagbahagi din si Ivana ng ilang larawan niya sa kaniyang social media account kung saan siya ay makikitang naglilinis ng bus para maisakatuparan ang pangakong hamon kay Lloyd bago ito pumanaw.

Sa Facebook, sinabi ni Ivana na hinamon siya ng sikat na vlogger sa huling vlog na in-upload niya sa kaniyang channel na sila ay mag-car wash ng bus na magkasama. Subalit nalungkot si Ivana dahil hindi na nila ito magagawa ng magkasama. Ngunit, tinupad niya pa din ang pangako kay Lloyd dahil alam niyang nanonood ito sa langit at tiyak na masisiyahan ito.



Sa bagong vlog na may pamagat na "Buswash Para Kay Lloyd Cadena, sinakatuparan ni Ivana ang huling hamo ni Cadena sa kaniya na maglinis ng bus. 

Sinabi ni Ivana na sobrang nalungkot siya nang narinig niya ang balita tungkol sa biglaang pamamaalam ni Cadena.

Aniya,

"Noong nalaman ko na totoo siya. Sobrang nalungkot ako. Pumunta ako sa kanyang video, pinanood ko yung huling video niya. Doon sa video niya na, carwash, sobrang na-touch ang puso ko, binanggit niya ang pangalan ko, tapos sabi niya 'hinahamon ka namin Ivana Alawi, maglinis tayo ng bus, pabilisan tayong maglinis ng bus. Para sa akin hinamon niya ako, alam mo yung parang huling hamon. So sabi ko kailangan ko siyang gawin. Kailangan kahit paano may nagawa ako in my own small way."



Dagdag niya,

"So nag-decide ako na gawin itong bus car wash para kay Lloyd."

Hiling naman ni Ivana sa kaniyang mga tagahanga at manonood na huwag sana nilang i-skip ang ads dahil lahat nang kikitain ng video ay mapupunta sa pamilya na naiwan ni Lloyd.

Ani ng actress,

"Lloyd, you will always be remembered. You are loved by so many people and you are respected. Ang tagal mong nasa YouTube. Ikaw ang naging inspirasyon ko dati dahil nakita ko na napakalapit niya sa pamilya niya. Napakabuti niyang tao at saka napakamapagmahal."


Dagdag niya,


"So thank you Lloyd sa lahat ng laughter, sa lahat ng happiness, sa lahat ng tulong na shineyr (ibinahagi) mo sa amin. Alam ko nandiyan ka sa tabi namin ngayon. Nasa heaven ka."

Sa huling bahagi ng kaniyang vlog, pinaalalahan naman ng actress na mag-subscribe ang kaniyang mga manonood sa pamilya at kaibigan ni Lloyd.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW