Janella Salvador, Umamin Na Sa Tunay Na Kalagayan Nila Ng BF Na Si Markus Paterson! Buntis Na Nga Ba?


Inilabas na sa publiko ng mga kapamilya artists na sina Janella Salvador at Markus Paterson ang tunay na namamagitan sa kanilang dalawa at may kasunod pa itong rebelasyon.

September 12, 2020 nang kumpirmahin nina Janella Salvador at Markus Paterson ang tunany na namamagitan sa kanilang dalawa. Ito ay nang ishare nila sa mata ng publiko ang sweet kiss video at picture nilang dalawa na makikitang nagyayakapan habang sumasayaw.

Bilang kompirmasyon ng kanilang relasyon ay ipinagmalaki ni Jenella gamit ang kaniyang social media account ang picture nila ni Markus na makikitang isang yakapan moment. Na ayon kay Janella ay "The best hugs in the world from the best potato in the world."


Hindi rin naman itinago ng dalawa ang pagiging malapit sa isa't-isa kahit noong hindi pa sila umaamin sa kanilang relasyon dahil nakikita na sila noon na magkasama sa mga out of town trips. Gayundin sa family events at nababanggit din ng isa't-isa sa mga interviews sa kanila.

Kaya ngayo'y isinapubliko na nila ang kanilang relasyon ay hindi na nabigla pa dito ang kanilang mga tagahanga. Pero kaakibat ng rebelasyon na ito ay ang isyu na diumano ay pagbubuntis ni Janella. Gaano katotoo ang balitang ito?

Sa comment section ay may netizen ang nagsabi na nakita nila si Janella at Markus sa St. Lukes hospital para magpacheck-up. Ayon sa netizen, 

"Buntis po ba si Janella? May nakakita daw sa kanya nagpacheckup sa St. Lukes kasama si Markus sabi ng staff dun pregnant si Janella sa mga post din niya sa IG hindi niya pinapakita belly niya. Kung totoo humor sinayang niya career nya mahirap na makabalik sa showbiz pag single mom."

Mayroon din di umanong nakakita kay Janella na halata umano ang baby bump nito kaya naman nang ilabas ni Marcus ang kanyang live stream video ay lalong lumakas ang kutob ng netizens na totoo nga ang balitang pagbubuntis ni Janella.

Sa video ay maririnig ang mga binitawang salita ni Jea, sabi nito, "I almost jumped, that's not good. Im not allowed to jump." Ito ang naging basehan ng netizens sa kumakalat na balita na buntis nga si Janella. 

Meanwhile sa isang social media post ng ina ni Janella na si Miss Janine Desiderio ay pinakita nitong nakasakay sila sa eroplano ng anak na si Russell at pinahuhulaan sa netizens kung nasaan sila ngayon. 

Komento ng netizens kay Miss Janine, "You're in London. Doon manganganak si Janella diba? You're gonna be there with Markus, Janella and Russell."

Hindi naman ito kinompirma ni Janine pero sa latest social media post niya ay makikitang naglalaro sina Markus at anak niyang si Russell sa garden. Si Janella at hindi kita sa video pero maririnig ang boses ni Miss Janine sa background na mararamdaman ng affection pareho kena Russell at Marcus.

Sa mga videos ay maririnig ang happiness both kena Janella at Markus at gayundin kay Miss Janine. Si Janella ay isa sa mga kilalang artista ng kapamilya network. 

Katatapos lamang niyang gampanan ang role bilang si Emma ng the Kill3r Bride.


Si Marcus Paterson naman ay professional Football Player na nakabase sa Pilipinas. Lumabas rin siya sa Ang Babaeng Allergic sa Wifi at sa mga iba pang ABS-CBN shows.

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW