Binan4tan kamakailan lamang ng neophyte lawmaker na si Eric Yap ang blogger na si Jover Laurio o mas kilala din sa tawag na PAB o Pinoy Ako Blog matapos batikusin ng huli si Yap dahil sa testing laboratory sa Benguet na ipinangalan sa kaniya.
Si Yap na ngayon ay nasa ika-5 buwan na bilang chair ng powerful House Committe ay nagbigay ng kaniyang opinyon patungkol sa pagpuna ni Laurio sa kaniya. Ito ay bago niya simulan ang usapin tungkol sa budget ng Office of the President noong Lunes, Setyembre 14.
Nabanggit ni Yap ang tungkol sa Facebook post ni Laurio na kinukwestyon kung bakit kay Yap pinangalan ang laboratory hospital sa Benguet. Tinanong pa ng blogger sa kaniyang post kung pera ba ni Yap ang ginamit niya doon.
Sinabi naman ni Yap na ginamit niya ang kanyang personal na pondo upang maitayo ang laboratoryo sa Benguet. Inamin din ng congressman na hindi niya alam na sa kaniya pala pinangalan ng management ng ospital ang laboratory bilang pasasalamat sa kaniya.
Nang malaman niya ito, kaagad kinausap ni Yap ang management na tanggalin ang kaniyang pangalan sa nasabing facility.
Ani Yap,
"Ngayon po, ang akin lang po, para kay Jover, nakita ko po ‘yong page niya eh. Lahat na lang po puro galit, puro maling impormasyon. Iisa lang po ang tama sa impormasyong pinost ‘nya, kung saan mayrooon doon na mukha niya na pinapakita niya ano po ang itsura ng C0VID kung ito ay magiging tao."
Hiling din ni Yap kay Jover pati na din sa ibang netizens na huwag ng magpakalat ng mga maling balita, sa halip gamitin ang social media para makatulong sa pagbibigay ng mga tamang impormasyon na dapat malaman ng ating mga kababayan patungkol sa C0VID-19.
Sinabi din ni Yap na sa panahon ng krisis at pagsubok na kinakaharap natin ngayon ay dapat ito ang oras na tayo ay magtulungan. Hiling ni Yap na sana ay mawala na ang siraan sa isa't isa bagkus magtulong tulong tayong mga Pilipino upang mapuksa ang C0VID-19.