Kilalanin Ang Mga Personalidad Na Nakaalitan Ni Mega Star Sharon Cuneta


Alamin natin kung sinu-sino sa mga kilalang celebrities at personalidad ang minsan nang nakab4nggaan, nakaalitan at nakatampuhan ni Mega Star Sharon Cuneta.

Helen Gamboa

Minsan nang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mag-tiyahin na sina Helen Gamboa Sotto at Sharon Cuneta. Nangyari ito matapos ibahagi ng megastar ang kaniyang pagka-dismaya sa political history nina Tito Sotto at asawang si Sen. Francis Pangilinan na sinabi niyang naging sanhi ng division sa kanilang pamilya.

Bukod sa kanilang magkakaibang mga alyansa sa pulitika noong halalan noon 2004, ang isyu ay nagmula rin sa hindi pagsuporta ni Sotto kay Pangilinan sa kanyang hangaring maging pangulo ng senado. Ang mga isyung ito ay anging topic para magpalitan ng mga nakakas4kit na salita sa pagitan nilang dalawa. Ngunit sa bandang huli ay nagkaayos din ang mag-tiyahin. Sinabi ni Senator Tito Sotto na si Mega mismo ang gumawa ng paraan para makipag-ayos kay Helen Gamboa.

Ben Tulfo

Ngapost si Sharon Cuneta sa Twitter upang ibahagi ang kanyang saloobin tungkol sa word w4r sa pagitan ng kaniyang anak na si Frankie Pangilinan at mamamahayag na si Ben Tulfo. Ang word w4r ay nagsimula nang batikusin ni Frankie ang pulisya sa pagsabi sa mga kababaihan na huwag magsuot ng s3xy na damit upang maiwasang mahar4s.

Si Ben ay nag-react sa mga komento ni Frankie at sinasabing ang pagsusuot ng sobrang s3xy na kasuotan ay umaakit sa mga kalalakihan na gumawa ng karum4l-dumal na kr1men. Ayon sa megastar, ang mga mapang-abuso at walang galang na mga kalalakihan ay gagawa ng mga s3kswal na mga pagkakasala laban sa mga kababaihan kahit ito ay nagsusuot ng konserbatibong damit o hindi.

Ipinahayag din niya ang kanyang paghanga sa kanyang anak na nakikipaglaban na para sa karapatan ng mga kababaihan sa social media.

Robin Padilla

Minsan nang naugnay sina Robin Padilla at Sharon Cuneta sa isa’t-isa. Ang una nilang pinagtambalan na pelikula ay ang Maging Sino Ka Man subalit nagkaroon ng tampo si megastar sa kanyang kaibigan. Nangyari nga ito nang hindi nakadalo si Robin sa 40th Anniversary Concert ni Megastar noong 2018 at inihayag ni Sharon ang kanyang pagkadismaya sa aktor sa pamamagitan ng isang reply sa comment sa IG ng isang fan.

Aga Muhlach

Taong 2010 ng magkaroon ng tampuhan sina Aga Muhlach at Sharon Cuneta. Nalaman ng publiko ang tungkol dito ng magbiro si Mega sa concert ni Comedy Queen Ai Ai Delas Alas na hindi niya kilala ang aktor. Paliwanag ni Mega na ito ay nasabi lamang niya ng pabiro at hindi kailanman niya puwedeng kalimutan ang pagkakaibigan nila ni Aga. Lumalabas kasi na nas4ktan at na-insulto daw diumano si Sharon nang ito ay ma-reject na gumawa muli silang dalawa ng pelikula.

Piolo Pascual

Nagsimulang iparamdamn ni Megastar Sharon Cuneta ang kanyang damdamin sa isyu ng hiwalayan nina Piolo at KC dahil alam niya kung gaano kamahal ni KC ang aktor. Hindi sukat akalain ni Sharon na mababalewala ang kanyang anak sa kamay nang isa sa mga itinuturing nitong anak anakan siya showbiz na si Piolo Pascual.

Kiko Pangilinan

Inamin ni Sharon Cuneta na ang kasal nila ni Senator Kiko Pangilinan ay muntik nang matapos noong 2017. Sa ginawang birthday celebration para sa actress, pinasalamatan ni Cuneta si Pangilinan ang kanyang asawa nang higit sa dalawang dekada subalit ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na umamin ang mag-asawa na sila ay kamuntik nang magkahiwalay. Hindi man idinetalye ang pangyayari piniling maging tikom ang bibig ni Sen. Kiko Pangilinan.

Ronald Carballo

Binalikan ni Sharon Cuneta ang Entertainment columnist at movie director na si Ronald Carballo sa pagdungis ng kanyang pangalan sa social media. Sa isang post na ginawa ni Carballo, napatanong ito kung laos na ba si Sharon at gimik niya ang pagpapaawa, pagpapahamak sa anak at pahayag na magreretire sa showbiz. Hindi ito nagustuhan ni Sharon, sinabi din niya na dapat magingat si Carballo sa paggamit ng salitang flopped habang nililinaw niya na mayroon pa siyang siyam na walang kapares na pelikula at may mga tropeyo bilang reyna nang box office.

Lolit Solis

Ibinahagi ni Lolit Solis ang kanyang saloobin sa pagtatalo sa pagitan nina Sharon Cuneta at kanyang anak na si KC Concepcion. Ayon kay Lolit, tama si Sharon na ang mga tao sa labas ng pamilya ay dapat na tumigil sa pag speculate sa relasyon ng mag-ina. Gayunpaman, idinagdag niya na ang mga kilalang tao na nagpopost sa social media ay dapat ding asahan na ang publiko ay magkokomento at dapat sila ay magisip-isip din sa kanilang mga posts.

Pres. Rodrigo Duterte

Hinarap ni Sharon Cuneta ang naging pahayag ni Pangulong Duterte na tinatawag niyang tatay na siya at ang kanyang asawang si Sen. Francis Kiko Pangilinan ay nasa bingit ng paghihiwalay. Napasali sa kaniyang talumpati ang isyu ng mag-asawa sa ginanap na Bonifacio Day noong nakaraang taon. Ang rant na ito ay naging personal dahil inakusahan ng Pangulo na si Cuneta at hindi na nais makasama pa sa iisang bubong ang Senador ngunit tila ipinagtatanggol pa ni Sharon ang sinabi ng Presidente at inihayag nito na mahilig lang itong magbiro dahil nasa oposisyon ang kanyang asawa.

Mayor Sara Duterte

Ipinarating ni Sharon kay Inday Sara Duterte sa pagkakataong ito at tinanong kung ilang beses ito hindi ipinakita ang respeto para sa actress, sa pamilya at sa asawang Senador.

Gabby Concepcion

Tinilian ang tambalang Sharon-Gabby noong 80’s. maraming fans ang natuwa nang silang dalawa ay ikasal at bumuo ng pamilya. Ngunit hindi lahat ng kasiyahan ay magtatapos ng masaya dahil nauwi rin sa hiwalayan ang pagsasama nila Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Hindi naging maganda ang hiwalayan nilang dalawa dahil sa pagiging malapit sa babae ni Gabby.

KC Concepcion

Matatandaang nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang mag-inang KC at Sharon Cuneta. Ito ay sa kadahilanan na hindi nakasipot si KC sa birthday special na ibinigay ng ASAP sa Megastar. Nakita ang pagluha ni Sharon na dinamdam na hindi naging kompleto ang kaniyang pamilya sa mahalagang okasyon ng kanyang buhay. 

Post a Comment

0 Comments
* Please Don't Spam Here. All the Comments are Reviewed by Admin.

Top Post Ad

Below Post Ad

BOOK NOW